XYRUS JAVI's POV
Bakit kaya hindi pa siya nagpapakita sakin.
"Aww. Ang sweet naman ni Ex."
"OMG! Ang sweet niya!"
"Girl, nakita mo na ba ang ginawa ni Ex?"
"Alin?"
"Tara dun sa gymnasium dali..."
"Sana ako na lang si Summer."
"She's so lucky."
"Kyaaa! Nakakainggit!"
Kalat na sa buong school ang ginawa namin ni Steven, kaya halos lahat ng babae sa campus ay hindi magkaugaga sa kilig at mga bulungan.
"Oh Tol, nagkausap na ba kayo ng Awawa mo? Haha. Bilib talaga ako sa kasweetan mo, biruin mo dinadamay mo pa ako diyan sa kabadingan mo..." Natatawang sabi niya. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinitigan ko lang siya.
"What's with the look?" Curious na tanong niya.
"Hindi pa kami nagkakausap.." Malungkot kong sagot.
"Ha? Teka, ibig mong sabihin hindi siya interesado sa ginawa mo kaya hindi pa siya nakikipagkita sa'yo?" Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isipin.
"Pinuntahan mo na ba sa classroom niya?" Biglang tanong niya.
"Hindi."
"Ano ka ba naman, bakit hindi mo puntahan? Baka naman hindi niya pa nakikita yung kabadingan na ginawa mo kaya hindi ka pa niya kinakausap. Hahaha!"
"Hindi ko alam. Hayaan ko nalang muna siguro siya. Baka mamaya lang makita niya na tapos magkaayos na kami." Kunwari'y natatawang sagot ko.
"Oh sige, sabi mo eh."
Hihintayin ko na lang ang uwian. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis eh. Hehehe
After class.
"Uy Tol, ano. Hindi ka pa ba uuwi?"
"Ha?"
"Tinatanong ko kung hindi ka pa ba uuwi?"
"Hihintayin ko na lang si Summer."
"Kanina pa sila uwian ah. Nakita ko na ngang lumabas si Red, yung class president nila."
"Si Summer? Nakita mo ba?"
"Hindi eh. Baka nauna na."
"Ah ganun, sige uwi na din ako." Malungkot na sagot ko.
Pagdating sa bahay, si Manang ang bumungad sakin. May kasama siyang batang babae.
"Iho, buti naman nandito kana." si Manang.
"Hello kuya pogi." Anas nung cute na bata. Naalala ko tuloy si Summer sa batang 'to. Hays.
Yunuko ako para makatapat ko siya. "Hello baby girl, ano pangalan mo?"
"Hihihi. Parehas kayo ni ate ganda na tinawag shakin.. Ako po si Sarah."
Eh?
I got curious kaya inulit ko ang sinabi niya.
"Ate ganda?" Nginitian naman ako ni Manang dahil napansin niya sigurong nagkunot ang noo ko.
"Binigyan siya ng chewing gum nung magandang dilag doon sa ospital kanina." Paliwanag ni Manang habang nakangiti.
Chewing gum? Si Summer agad ang pumasok sa isip ko nang marinig ko yan.
"Iho, okay ka lang ba?" Maya-maya'y tanong sakin ni Manang.
"Ah opo Manang. May naalala lang po. Hehe. Siya na po pala yung apo ninyo, ang cute niya naman."
"Ang kulit ng batang iyan. Sinama ko na muna dito, bukas ng umaga na lang daw siya daanan dito ng papa niya." Paliwanag niya tapos ay tiningnan niya ang kaniyang apo.
"Apo, doon ka muna sa sala maglaro." Sinunod naman siya ng bata tapos ay nginitian niya din ako bago pumunta sa sala.
"Ahm. Manang? Yung sinabi niyo po na nagbigay kay Sarah ng chewing gum, natanong niyo po ba kung ano yung pangalan?" Hindi ko alam kung bakit bigla ko itong natanong, curious lang siguro.
"Hindi ko maalala Iho eh, bakit mo naitanong?"
Bakit nga naman ba ako nagtanong? Imposible namang si Summer yun. Tch
"Ah. May kakilala lang po ako na mahilig sa ganun. Hehe."
"Ay ganoon ba? Eh sana naman ay hindi yun ang kakilala mo, dahil yung batang yun sa ospital ay may sakit palang iniinda."
Nagulat ako sa sinabi ni Manang.
"Sakit po?"
"May leukemia siya. Kawawang bata, pero napabilib ako doon dahil ang tibay, hindi ko man lang nakitaan ng lungkot. Laging nakangiti. Siguro masiyahing bata iyon." Sabi niya na halatang nalungkot din sa sinasabi.
Parang nag iba din naman ang mood ko sa sinabi niyang iyon. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko kaya hindi ko napansin na nakatulala na pala ako.
"Oh sige na Xyrus anak, magpahinga ka na muna sa kwarto mo at mukha yatang pagod ka."
"Sige po." Tipid na sagot ko.
Bagsak ang mga balikat kong umakyat sa kwarto. Papasok na ako nang bigla naman lumabas ang kapatid ko sa kwarto niya.
"Kuya are you okay po?" Pag aalalang tanong niya.
"I don't think so. Go downstairs, may cute na bata doon." Pagkasabi ko nun ay pumasok na agad ako sa kwarto ko.
'Summer, I miss you so much!'
SUMMER's POV
Nakakulong lang ako sa loob ng kwarto ko maghapon. Ilang araw na din akong hindi pumapasok sa iskwela dahil ayaw ng Papa ko.
Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw ko lang din naramdaman na parang bumabalik ang sakit ko. Hindi ko na muna ipinaalam sa kaniya dahil ayoko siyang mag-alala ng husto.
"Summer, may bisita ka."
Sigaw ni Papa sa labas ng kwarto ko.
Bisita? Sino naman kaya?
"Sino po?" Sana si Xyrus. Namimiss ko na ang mga pang aasar niya.
"Yung kababata mo." Sagot ni papa. "Lumabas ka nalang diyan ah, may gagawin lang ako sandali." Pahabol na sabi niya.
Kababata? Hays.
Si Lyle Ashton pala.
Tss. Bakit ba ako umaasa eh ako naman tong nagsabi sakanya na umiwas kami sa isa't isa.
Nag ayos muna ako sandali bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nakaupo siya sa sofa habang hinihintay ako.
"Ah. Hi." Tipid na bati ko kay Lyle Ashton.
"Hi Summer. Kamusta kana? Tara upo ka muna." Ngumiti ako at naupo din.
"Okay naman ako. Bakit pala napadalaw ka?" Diretsong tanong ko.
"Gusto lang kitang makita, bawal ba?" Nakangiting sagot naman niya.
"Ah. Haha. Hindi naman." Sagot na napakamot pa kunwari sa ulo ko.
"Hindi naman pala eh, so pwede bang dumalaw ako sa'yo araw-araw?" Bigla naman akong napatingin sakanya. "Hahaha! Oh, bakit parang nagulat ka?" Pahabol nito.
"Grabe naman kasi yung araw-araw. Para namang may sakit ako niyan. Haha." Natatawang biro ko. Inaasahan ko na tatawa din siya pero nagkamali ako. Nakita kong umayos siya ng pagkakaupo tapos ay sumeryoso ang mukha bago nagsalita.
"I know that you're sick." Napanganga ako sa sinabi niya.
"Ha? Hahaha. Paano mo naman nasabi yan? Ang lakas-lakas ko kaya." Kunwari'y sabi ko na pinakita ko pa ang muscle ko sa braso.
"Summer. Hindi ko sinasadyang marinig ang pag uusap niyo ni Tito sa ospital."
Flashback of LYLE ASHTON's POV
Papasok na sana ako sa kwarto kung saan nakaadmit si Summer pero narinig kong nag uusap sila ng papa niya kaya minabuti kong wag na munang tumuloy pero bigla akong nacurious sa pinag uusapan nila kaya nakinig ako sandali.
"Kelan mo balak ilihim sakin ang tungkol diyan sa sakit mo?" Tanong ni Tito.
Anong sakit? May nililihim na sakit si Summer?
"Pa---"
"Kelan pa Summer ha? Tinatanong kita lagi kung okay ka lang? Bakit kailangan mong ilihim sakin na bumalik pala ang sakit mo?"
"Baka nakakalimutan mo na kung paano ka pinahirapan ng leukemia na yan nung bata ka?" Huminga siya ng nalalim bago nagsalita ulit. "'Wag ka nang mag aral."
Natulala ako sa narinig. May sakit siya. Ngayon alam ko na kung bakit may napapansin akong kakaiba sakanya. Hindi niya lang pinapahalata dahil ayaw niya sigurong mag alala sakanya ang nasa paligid niya. Nakakalungkot.
End of Flashback of LYLE ASHTON's POV
"Hindi mo na kailangang magkunwari Summer." Biglang sabi niya matapos niyang ikuwento ang nangyari kung bakit may alam siya.
"Kaya ka ba nandito dahil naaawa ka sakin?" Wala sa sariling tanong ko. Ayoko sa lahat ay yung kinakaawaan ako!
"H-Hindi sa ganun---"
"Umalis ka na!" Pagtataboy ko sakanya. Alam ko mali ito pero ayoko ng ganito!
"P-Pero Summer---"
"Alis!"
"Call me when you need me." Sabi niya bago siya tuluyang tumalikod.
Bumalik ako sa kwarto na wala sa sarili.
'Bakit kailangang malaman pa ng kababata ko ang sakit ko? Bakit?'