INSTANT BOYFRIEND

1237 Words
SUMMER's POV Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana namin at nagpapahangin. Gilid lang ng kalsada ang bahay namin kaya anumang ingay sa labas ay rinig na sa loob. Nagulat na lang ako nang biglang may narinig akong malakas na boses-lalaki sa labas na tila may kaaway ito. "Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" Sigaw nito sa labas. Dahil wala akong magawa sa oras na ito ay pinakinggan ko lang ang sigaw nito at sumagot sagot ako na tila ba kausap ko lang ang sarili ko. "Hindi naman siya galit niyan?" Sagot ko. "Napapagod na ako sa'yo! Wala ka ng ginawang tama!" Sigaw ulit nung boses-lalaki. "Eh 'di magpahinga ka. Tss." Sagot ko naman. "Gusto mo bang pabayaan na kita simula ngayon? Ha? SAGOT!" Nakakatakot naman ang lalaking ito. "Eh bakit kasi kailangan niyo pang mag away na mag syota sa daan? Pwede namang sa pribadong lugar na lang. Pabibo lang?" "Nagsasawa na ako sa'yo!" Biglang sigaw niya ulit. "Yun. Edi lumabas din ang totoo. Sus. Makikipagbreak na 'yan sure ako." Wala sa sariling nasabi ko. "...at sino ka namang babae ka na sagot ng sagot sa mga sinasabi ko?! Lumabas ka nga diyan!" Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko nang marinig ang sigaw nito. Omyg! 'Ako ba yung kinausap niya?' 'Naririnig niya ba ang mga sinabi ko?' At dahil sa nangyari ay bigla akong kinabahan. Sa tono palang ng boses nito ay malalaman na agad na nagkukuyom ito sa galit. 'Bakit kasi ang daldal ko.' Pagsisi ko sa sarili ko habang nakatakip ng bibig. Nasa ganoon akong posisyon nang bigla ulit itong sumigaw dahilan para mapatalon ako sa gulat. "Hoy! Ano ba! Lalabas ka o papasukin kita diyan sa loob?!!" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang iyon, knowing na walang tao sa bahay namin maliban sakin. 'What to do? Argh!' "Bakit natahimik ka na?! Gusto mo bang pumasok pa ako diyan sa loob?!!" Galit na sigaw nito. Wala akong ibang maramdaman kundi takot. Takot dahil baka totohanin niya nga ang sinabi niyang iyon. 'Ang daldal ko kasi! Buti sana kung may mga bahay sa labas na malapit sa amin kaso wala.' Pasimple akong sumilip sa bintana pero nauunahan ako ng takot. 'Kung lumabas na lang kaya ako?' Haharapin ko na lang siya para matapos na ito. 'Inhale exhale' Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan para lumabas pero laking gulat ko nang makita na may lalaki sa tapat ng pintuan. 'Patay!' Galit ito ng unang magtama ang mga mata namin, pero agad itong napalitan ng nakangising mga ngiti. May itura ito at kasing edad ko lang siguro. Maputi, matangkad at mapupula ang lips. Bumalik ang takot sa dibdib ko nang magsimula itong magsalita. "At talagang gusto mo pang pasukin kita dito ha?" Sabi niya na bahagya pang ngumiti ng konti. Pakiramdam ko binuhusan ako ng buong yelo sa katawan. Oo, buong yelo, yung malalaki at matitigas! Asar! "H-hindi..A-ano k-asi...H-hehe.." Hindi ko alam ang sasabihin ko s**t! Halatang kinakabahan ako. "Anong hindi? Anong kasi? Anong ano??" Tanong niya na papalapit sakin. Sa sobrang lapit pati hininga niya naaamoy ko na. "Bakit umurong ata ang dila mo ngayon?? Kanina ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako?" Kagat labi niyang sabi sakin habang nakatitig sa mga mata ko. "S-Subukan m-mo p-pang l-lumapit s-sakin...." Pero imbis na lumayo siya ay lumapit at dumikit pa ito sakin. Asar! "Alam mo bang badtrip ako ngayon? At dahil tayo lang naman ang nandito, kayang kaya kong gawin sa'yo lahat ng gusto ko! r**e-in na lang kaya kita?" Tapos ay tumingin siya sa katawan ko. "Sexy ka naman, maganda pa, siguro masarap ka din?" Napalunok ako sa huli niyang sinabi. XYRUS JAVI's POV "Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" Inis na sigaw ko sa kapatid kong ubod ng kulit habang nasa kalsada kami. Bibihira lang ang taong nadaan kaya kahit sumigaw ako okay lang. "Hindi naman siya galit niyan?" Tinignan ko ng masama ang kapatid ko dahil sa sinagot niya sakin. "Napapagod nako sayo! Wala ka ng ginawang tama!" Muntik ko na siyang mapagbuhatan ng kamay nang marinig muli ang boses. "Edi magpahinga ka. Tss" At sinasagot na ako ng batang to???! "Gusto mo bang pabayaan na kita simula ngayon? Ha? SAGOT!" Naghihintay ako ng sagot ng kapatid ko pero ibang boses ang narinig ko. "Eh bakit kasi kailangan niyo pang mag away na mag syota sa daan? Pwede namang sa pribadong lugar na lang. Pabibo lang?" Gagong to ah. Ako ba kinakausap ng boses na yan?! "Nagsasawa nako sayo!" Sigaw ko uli sa kapatid ko tapos ay tatalikuran ko na sana siya ng biglang may nagsalita na naman. "Yun. Edi lumabas din ang totoo. Sus. Makikipagbreak na yan sure ako." Bwisit na boses yan! Tumingin ako sa bahay kung saan nanggagaling ang boses at saka sumigaw. "At sino ka namang babae ka na sagot ng sagot sa mga sinasabi ko?! Lumabas ka nga diyan!" Galit ako. Badtrip sa kapatid at idagdag pa itong sagot ng sagot eh wala namang alam! "Hoy! Ano ba! Lalabas ka o papasukin kita diyan?!!" Inis na sigaw ko ulit. "Bakit natahimik ka?! Gusto mo bang pumasok pa ako diyan sa loob?!!" Hinintay ko muna kung may lalabas na tao sa bahay pero mukhang walang balak magpakita. Kaya naisipan kong pasukin na lang siya sa loob. Binabadtrip niya ako ah. Huh. Makikita niya. Pinauwi ko na ang kapatid ko tapos ay pumasok nako, swerte namang bukas ang gate kaya dumiretso nako sa pinto. Hindi ko naman inaasahan na saktong bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae. "At talagang gusto mo pang pasukin kita dito ha?" Nanunukso kong sabi habang nakatingin sakanya nang pasukin ko siya sa loob. "H-hindi..A-ano k-asi...H-hehe.." Halatang kinakabahan siya. Namumutla na nga eh. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko. "Anong hindi? Anong kasi? Anong ano??" Nakangiti kong sabi habang lumalapit sa kanya. "Bakit umurong ata ang dila mo ngayon?? Kanina ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako?" Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi para takutin siya. Ang sarap niyang asarin. "S-Subukan m-mo p-pang l-lumapit s-sakin...." Sige, matakot ka sakin. Yari ka ngayon. Kaya lumapit pa ako sakanya at dumikit. Ramdam kong nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot kaya mas lalo ko pa siyang tinakot. "Alam mo bang badtrip ako ngayon? At dahil tayo lang naman ang nandito, kayang kaya kong gawin sayo lahat ng gusto ko! r**e-in na lang kaya kita?" Tapos ay tinignan ko ang katawan niya. Cute ang babaeng 'to kaso masyadong madaldal! Binadtrip niya ako lalo! "Sexy ka naman, maganda pa, siguro masarap ka din?" Napalunok siya sa huli kong sinabi. Natatawa ako pero hindi ako nagpahalata, kaya ang ginawa ko tinitigan ko siya sa mga mata niya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya dahilan para pumikit siya. Napatitig ako sa leeg niya tapos ay sa lips niya kahit na maputla ito. Inaakit ang p*********i ko, tangna! I was about to kiss her nang biglang may epal na dumating. "SUMMER???!" sabay kaming napatingin sa likod kung saan may nagsalita, ay hindi, sumigaw pala. "SINO YAN??! AT BAKIT SIYA NANDITO??!" Turo sakin ng matandang lalaki. Tatay niya siguro. "P-Pa---" "She's my girlfriend po.." Nakangiti kong sagot sa tanong ng papa niya. "I'm Xyrus Javi Valderama Sir." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD