Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Mabagal at nakatungo lang akong naglalakad pabalik sa classroom ko nang mapansin kong may humarang sa dapat na dadaanan ko kaya huminto ako. "C-Cassey?" Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon dito. Ano namang gagawin niya? Hindi na siya nag-aaral dito, kaya bakit pa siya pumupunta at nakakapasok sa school na 'to. "Surprised? Hahaha." Humakbang siya papalapit sakin. Napaatras naman ako ng konti. "Oh, bakit hindi ka makapagsalita ngayon?" Tanong niya habang pinagmamasdan ako. "Napipi ka na rin ba? Hahaha." "Bakit ka nandito?" "Oh my god! Nakakatakot siya. Hahaha." Alam kong inaasar niya lang ako kaya hindi ko na lang siya pinapatulan. Bukod sa wala ako sa mood makipagtalo, ay wala na rin akong lakas pa. Ayokong pag aksayahan

