SYMPTOMS

1518 Words
CASSEY's POV Just wait a little longer Babe, I will make sure na babalik ka sa akin. *L's calling* "So, how's your first date with your long lost childhood crush?" Sarkastikong tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya. ["Maayos naman. She's cute."] "Ow? Really? Haha. Basta just do as I say okay?" ["I will. Anyways, marami siyang tinanong na kung anu-ano sakin buti na lang nalusutan ko."] "Good job! Hindi talaga ako nagkamali sa'yo." ["But..."] "What's with pero L?" ["Hinahanap niya sakin ang I.D niya."] "I.D? Anong I.D?" ["I don't know. Ayoko naman magtanong dahil baka makahalata siya na hindi ako ang totoong kababata niya."] "Dammit! Okay. Okay. I'll call you later na lang." *toot-----* Hindi na ako nag aksaya ng oras, after we talked I decided na puntahan na si Xyrus sa bahay nila. I need to talk to him. Kailangan kong makita ang I.D na yun bago pa man kami maunahan ni Xyrus. "Oh. Ate Cassey." Gulat na sabi ng kapatid ni Xyrus nang makita ako sa bahay nila. "Hi Xander." "My big brother's not here po." I smirked. Napaka-straight forward talaga ng batang 'to. "Is that so? D'you have any idea kung nasaan siya?" Nakita ko namang nagkibit balikat siya. Alright. Umaayon sa akin ang sitwasyon. "I see. Uhm. Can I go to his room?" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad na akong pumunta sa kwarto ni Xyrus. 'Hmm. Very masculine ang amoy ng kwarto niya.' Nasaan ba dito ang I.D nung babae na yun. Hanap dito. Hanap doon. Halughog dito. Halughog doon. Bullshit! Where is that damn I.D?! I was about to go out but something's got my attention. It's a jewelry box. Kelan pa naging mahilig sa jewelry ang isang Xyrus Valderama? Is it because of that b***h? Oh God! Don't tell me... I can't believe this! Hindi ko na pinatagal at agad ko itong binuksan. Sa pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang I.D ng batang babae. Summer Ordoñes. Napangiti ako sa nakita. "I got you." Evil smile. XYRUS JAVI's POV Nakakainis! Bakit ang cute niya sa paningin ko kahit anong isuot niya? s**t naman oh. Nakauwi tuloy ako ng wala sa oras. Ang sarap niya pa namang titigan. Pero sino naman yung Ashton na yun? Takte! Kaninang umaga lang yung mukhang unggoy sa school ang kasama, ngayon may ibang unggoy na naman? Amputs na yan! "Hey little punk, anong oras ka nakauwi?" Tanong ko sa kapatid ko nung makauwi na ako sa bahay. Naabutan ko itong kumukuha ng maiinom sa ref. Lumapit ako sa kanya para kumuha naman ng softdrink. "Hmm. I dunno po." Walang kwentang sagot niya sabay inom ng juice. "Psh! Tabi nga diyan, inaayos mo ba ang pag aaral mo? Baka naman lumalablayp ka na ang bata-bata mo pa?" Panenermon ko. Ayokong magaya siya sa ibang bata na nakikita ko sa mga social media ngayon. "I'm not like you po.." Nakanguso niyang sagot. Takteng bata 'to! "Tss." Singhal ko sabay talikod tapos padabog akong naupo sa sofa. "Ate Cassey's was here kanina po pala. She's looking for you." Namilog pa ang dalawa kong mata matapos marinig ang sinabi niya and then I ask. "What?" Hindi ko inaasahan na pati ba naman dito sa bahay hindi niya ako titigilan. "Yes po Kuya." Pilosopong bata! Kilala niya si Cassey dahil madalas itong pumunta dito noong kami pa. "What did you just say? Anong ginawa niya dito? Umalis din ba agad?" Sunod sunod na tanong ko. "She went to your room po after knowing na wala ka.." Sagot niya na tumabi pa sa akin. "Wtf!" Bulong ko pero alam kong narinig iyon ng kapatid ko. Napatayo ako bigla at agad na tumakbo sa kwarto ko. "Your words kuya." Pahabol na sabi niya pero hindi ko na ito pinansin at dali-daling pumasok ako sa room ko. Letse! Bakit siya pumasok sa kwarto ko? Sinuri ko ang bawat sulok ng kwarto ko nang makapasok na ako. 'Tsk! Ano ba yan Xyrus. Ano naman ang mawawala sa kwarto mo kung pumasok man siya dito?' Sabagay. Bakit nga ba ako nag aalala? Ang dapat ko ngayong isipin ay yung dalawang unggoy umi-epal sa awawa ko. Aish! Hindi pwedeng kunin na lang siya ng kung sino sakin. Hindi ako papayag. Sa akin lang si Summer. Sa akin lang ang awawa ko. One week later... *tok tok tok* "Xyrus anak, bumangon ka na diyan at baka malate ka.." "Di po ako papasok Manang.." "Anong hindi? Tatlong araw ka ng hindi pumapasok at palagi ka nalang nagkukulong diyan sa kwarto mo..." Hindi ako nagsalita. Kanina pa ako gising pero wala akong balak na bumangon. Ayoko. Ayokong makita kung gaano sila kaclose ngayon nung Lyle Ashton na yun! Flashback "Summer, pwede ba tayo mag usap?" "Hey dude, don't you see? We're busy---" sagot nung epal na si Lyle Ashton. "Lyle sige na, mag uusap lang kami sandali..." Tinitigan muna ako nung Ashton bago niya kami iniwan. "Ahm. Galit ka pa rin ba?" Pag uumpisa ko ng usapan. "Galit saan?" "Sa nangyari dun sa garden, Summer I'm sorry.. Hindi ko lang maiwasang hindi masaktan kasi nagselos ako---" "Nagselos? Haha! Big word?" "B-Bakit? Totoo ang sinasabi ko Summer at alam ko sa sarili ko na.. na nagselos ako nang makita ko kayo ng classmate mong si Red na ang sweet-sweet." "Naririnig mo ba yang sinasabi mo Xyrus? At kami pa talaga itong sweet huh? Eh kamusta naman yung pagyayakapan niyo ng ex girlfriend mong si Cassey?" "W-What? Hindi ko alam ang sinasabi mo..." "Hindi mo alam? Hah. Talaga lang ah? Eh ano 'to??" Inabot niya sa akin ang cellphone niya at tumambad sa akin ang picture namin ni Cassey na nakayakap. Ito yung sa school na hinarang niya ako. "S-Summer, hindi ako tinitigilan ni Cassey, siya lang itong panay ang buntot sakin. Summer naman..." "Okay." "Ah?" "Sabi ko, okay." "Hindi ka na galit?" "Hindi." "Salamat Summer, pangako hindi ko na kakausapin pa si Cassey tapos..tapos hindi na magiging makitid ang utak ko---" "Iwasan na muna natin ang isa't isa." "Ano? Summer p-pero---" "Please. Umalis ka na." Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at lumapit naman si Lyle Ashton sakanya. End of Flashback "Sige anak, bumaba ka nalang kapag nagutom ka, kung may problema ka, nandito lang ako.." Sabi ni Manang sa labas ng kwarto ko tapos ay umalis na. SUMMER's POV Bagsak ang mga balikat ni Xyrus habang naglalakad paalis matapos namin mag usap. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere sa mga sinasabi niya at naniniwala ako sa kaniya. Ayaw ko man pero kailangan ko itong gawin. Kailangan ko itong gawin dahil hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari satin sa susunod na mga araw. Lalo na sa akin. Mabait kang tao Xyrus, ayokong saktan ka. Sana maintindihan mo. Hindi ko man gustong gawin to sa'yo pero ito lang ang nakikita kong paraan para hindi kita masaktan. "Hey. Are you alright Summer?" Tanong sakin ni Lyle Ashton. Hindi ko alam kung kanina niya pa napapansin pero iba talaga nararamdaman ko mula kanina, nahihilo na talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit parang bigla na lang sumakit ang ulo ko. Ano na naman bang nangyayari sakin? Siguro, kailangan ko ng pahinga. Tama. Uuwi na ako. "Medyo sumasakit ang ulo ko, siguro kailangan ko ng umuwi---" LYLE ASHTON's POV "Hey. Are you alright Summer?" Pag aalalang tanong ko. Kanina ko pa napapansin ang pamumutla niya mula nung sunduin ko siya sa bahay nila. Actually nung mga nakaraang araw din. Alam kong may mali pero hindi na lang muna ako nagtanong. "Medyo sumasakit ang ulo ko, siguro kailangan ko ng umuwi---" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang natumba. Buti na lang at nahawakan at nasalo ko siya agad. "Summer! Summer!" Pinipilit kong gisingin siya sa pamamagitan ng pagyugyog sa katawan niya pero wala pa din. Kaya agad na akong tumawag ng tulong. Dinala ko siya sa pinakamalapit na ospital. Ilang oras pa akong naghintay na magising si Summer kaya nakaupo lang ako sa mahabang sofa sa labas ng ospital. Tinawagan ko na din ang papa niya para malaman nito ang nangyari sa anak niya. Sigurado ako na anumang oras lang ay parating na ito. Napansin ko agad na may lumabas na doctor sa pinto ng kwarto kung saan inilagay si Summer. Agad naman akong tumayo nang makitang nakatingin ito sakin. "Kaanu-ano niyo ang pasyente?" Tanong niya. "Kaibigan ko po." Sagot ko. "Nasaan ang guardian niya?---" "Doc. Ako po, ako po ang tatay ng pasyente. Anong nangyari sa anak ko?" Tito asked worriedly. He just arrived at halatang pagod pa dahil sa byahe. Bakas din sa mukha nito ang totoong pag aalala samantalang nahimatay lang naman ang anak niya. Ganun lang talaga siguro ang papa niya. "Mas mabuting sa opisina na lang tayo mag usap." Sabi sa kaniya ng doctor kaya sumunod din naman agad si Tito. Ngayon, mas lalo akong naguluhan. Anong nangyayari? Bakit kailangang sa pribado pa sila mag usap? Summer sana okay ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD