SUMMER's POV Pinipigilan kong hindi maluha habang kasama ko si Steven kanina. Bakit nasasaktan ako? Bakit pakiramdam ko may tinatago sakin si Xyrus? Bakit ganun. Alam na kaya niya na may sakit ako kaya ganun na lang ang pag-iwas niya sakin? 'Wag niyang sabihin na may biglaan na naman siyang lakad kaya hindi niya na naman ako naihatid? Eh 'di dapat sana tinawagan niya man lang muna ako. Ang engot ko din kasi! Dapat pala tinanong ko na lang si Steven kung bakit hindi ako maihatid ni Xyrus. Hays. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko para tingnan kung tumawag o nag-text siya pero dismayado ako nung makitang walang text galing sa kaniya. Baka walang load? Pero imposible naman yun. Nabanggit niya sakin dati na hindi siya nawawalan ng load kaya imposible talaga. Nag-oover th

