POSSESSIVE

2391 Words
XYRUS JAVI's POV Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. 'Argh! My head sucks!' Reklamo ko habang sapo ko ang sintido ko. Sandali muna akong nanatiling nakahiga bago napagpasyahang bumangon at maligo. Pagbaba ko sa hagdan, nakita ko naman ang kapatid kong tumatakbo pababa na parang may hinahabol. "Hey! Watch out kiddo." wika ko. Tinapunan niya lang ako ng tingin tapos ay tuluyan ng umalis. "Hi Manang." Bati ko sa kaniya na naabutang kong naghahanda sa kusina. "Buti naman at nagising ka sa tamang oras Iho, uminom ka muna ng mainit na tubig para mawala yang sakit ng ulo mo." Sabi niya sabay abot sakin ng baso na may lamang black coffee. Huh? Napailing ako sa sinabi niya. "Po? Wala po akong sinabing masakit ang ulo ko." Sabi ko na nagtataka sabay kuha ng baso na bigay niya. Sumasakit nga ang ulo ko pero hindi naman ako nagreklamo para malaman niya. May lahi na bang manghuhula si Manang ngayon? Ngumiti lang ito. "Lahat ng umiinom, sumasakit ang ulo pagkagising. Hala sige inumin mo na yan nang makakain ka na din." Lagot! Manghuhula nga si Manang! "P-Paano niyo po nalaman na uminom ako kagabi?" Naguguluhang tanong ko. Tiningnan niya lang ako sandali bago nagsalita. "Sinabi mo sa 'kin. Nagkwento ka pa nga ng kung anu-ano. Hay naku na bata ka, hindi mo na maalala ano?" Natatawang wika niya. Nagkwento ng kung anu-ano? Like ano naman kaya? Lintik na! Bakit wala akong matandaan? "Maupo ka na dito." Naupo naman ako at kumain ng niluto niyang sinangag. Pagkatapos kumain, nagpaalam na agad ako na aalis na dahil dadaanan ko pa ang mahal ko. Pagdating sa bahay nina Summer, bumusina agad ako para malaman niya na dumating na ang gwapo niyang boyfriend. "Babye Pa, alis na po kami." Narinig kong pagpaalam niya kay Tito. Sumilip ako para makita sila. "Tito, good morning po." Nakangiti kong bati habang nakadungaw lang sa kanila. Tumango lang ito tapos ay kumaway kay Summer. Nang makasakay na si Summer sa kotse ay pinaandar ko na ito agad. "Good morning Xy." Nakangiting bati sakin ni Summer habang nasa byahe kami. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko pa pala siya nababati. Amputs. Nakakahiya! "Hi. G-Good morning." Lintik! Bakit nauutal na naman ako. Tch Ano ba kasi ang dapat kong gawin para hindi na nauutal kapag kausap ko siya, lalo na kapag tinititigan niya ako? Takte "Pasensya ka na kagabi ah, yung nainom mong beer malakas pala ang dosage nun kaya siguro mabilis kang tinamaan kagabi." Mahinahon niyang sabi. 'Tinamaan? Hindi na kailangan ng beer para tamaan, dahil unang kita ko palang sa'yo tinamaan na ako.' I wanted to add that kaso baka pagtawanan niya lang ako. Ganun ba yun? "Ah. Kaya pala. Hehe." Nasabi ko na lang. "Kamusta ka? Sumakit ba ang ulo mo?" May pag-aalalang tanong niya, muntik niya pa akong hawakan sa ulo ko pero agad ko itong iniwas. s**t! "Oooh! Anong gagawin mo? Umusog ka nga dun." Kunwari'y inis na reklamo ko. "Ang arte naman nito, parang hahawakan lang eh." Parang batang sagot niya. "Tss. Mananan-chansing ka lang diyan eh." Pagbibiro ko pero mukhang hindi niya yata ikinatuwa ang sinabi ko dahil nag iba ang awra ng itsura niya. "Eh di 'wag! Bahala ka nga diyan!" Nakangusong sabi niya. Bahagya naman akong napangiti. That was close. Grabe kaba ko dun! Pero okay lang, kahit ganito kami lagi, masaya na ako at kuntento na, na kasama ko siya. After several minutes, nakarating na din kami sa school. Kung pwede ko nga lang itanan 'tong si Summer ngayon mismo, gagawin ko. Kaso syempre iisipin ko muna ang future namin at dapat sabay kaming makagraduate. Yes! Ipinark ko na ang kotse ko tapos ay bumaba na ako para pagbuksan ko sana ng pinto si Summer kaso nauna na siyang bumaba at naglakad. "H-Hoy!" Sigaw ko. Hindi siya lumingon. "Summer! Hintayin mo 'ko." Sigaw ko pa din habang hinahabol siya. Tumingin siya saglit sakin tapos inirapan ako. "Bahala ka sa buhay mo!" Aww. You hurt my feelings Pero hindi ko ito pinahalata. "Bakit ka ba nagagalit ah?" Tanong ko nung makasabay na ako sa kaniya. "Hindi ako galit." Hindi siya galit pero ang tono ng pagkakasabi pasigaw. Masigawan nga. Hehe. "Eh bakit naninigaw ka?!" "Ikaw din naman ah?!" Ganti niya. "Hindi ah." Pagdedeny ko kahit ang obvious naman. Tumigil siya sa paglakad kaya napahinto rin ako. "Bakit ba lagi mo na lang akong inaaway ah?" Shit! Baka umiyak siya. No. No. Think. Aha! "Para patulan mo naman ako." SUMMER's POV Hindi siguro nakokompleto ang araw ng lalaking 'to nang hindi ako inaasar. Karindi na siya ah! At saka, anong sinasabi nito? "Patulan?" Sumeryoso ulit ito pero this time sa malayo na siya nakatingin. "Wala. Sige na, pumasok kana." Naglakad na lang ulit ako na hindi na siya tinitignan. Hindi ko alam kung nakasunod pa siya sakin dahil hindi ako tumitingin sa likod ko. Bahala siya diyan! Hmp! "Oy Valderama! Hahaha. Anyare sa mukha mo? Parang binagsakan ng langit at lupa ah." Si Steven. Makakasalubong ko pa. So meaning, nakasunod pa rin sakin si Xyrus? "Oh. Hi Summer. Ang ganda mo ngayon ah." Nakangiting bati niya sakin nung makalapit na kami sa isa't-isa. Tumigil rin muna ako sa paglalakad para sumagot. Masayahin talaga 'tong si Steven. At honest pa. Haha. "Lagi naman---" "Back off Dude, she's mine!" Singit ni Xyrus. *dug dug* *dug dug* Feeling ko nag slow mo saglit ang paligid ko. Pero agad din nawalan. God! Ano yun? Bakit bigla akong kinabahan? "Hahaha! Alam ko naman yun Pre, nga pala bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sa'yo kagabi?" Narinig kong tanong ni Steven sa kaniya. "Tumawag ka ba?" "Ay hindi Pre." "Hindi naman pala." "Siraulo!" Sigaw ni Steven. Nagsisigawan na sila. "Okay. Papasok na ako ah? Maiwan ko na kayo diyan." Singit ko sa sigawan nila. "Tara na My Girl, hatid na kita. Excuse us pare." Masungit na paalam ni Xyrus sa kaibigan niya. Sinulyapan ko si Steven pero nag wink lang ito. Anyare dun? Nung medyo nakalayo na kami sa kaniya ay nagsalita na ako. "Bakit ang sungit mo dun sa kaibigan mo?" Pag uumpisa ko. "Ayoko lang na maagaw niya ang atensyon mo." Sagot niya na hindi makatingin sa'kin. *dug dug* *dug dug* Letse! Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko. Wala naman akong sakit sa puso ah. "S-Sige, hanggang dito nalang, pumunta ka na din sa room niyo." Argh! Umayos ka Summer! "Ayoko. Gusto ko safe kang makakapasok sa room mo." Parang nabingi ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? "O-Okay." Nasabi ko na lang na hindi tumitingin sa kaniya. Nang makarating ako sa classroom ko, nagtilian na naman ang mga babae at bakla kong classmate. Whew "Alis na, baka reypin ka pa dito." Natatawang sabi ko. "Sunduin kita mamaya." Sabi niya, tumango naman ako saka siya tumalikod at umalis. "Don't let him build you up with his words, because the higher you get the harder you fall, and believe me: you always fall." Wika ni Red nang makaupo na ako sa upuan ko. Anong ibig sabihin naman kaya ng pinagsasabi nito? Humarap ako sa kaniya bago nagtanong. "Pula, ayos ka lang?" "Make sure you know your role in someone else's life. Don't try to give yourself a promotion when he may be on the verge of firing you..." Wika niya ulit. Lalong hindi ko siya maintindihan. Firing me? Hindi naman ako nag apply ng trabaho ah. Tinawanan ko na lang siya dahil wala akong masabi. Ni hindi ko nga alam kung ano mga pinagsasabi niya. Baka may sinalihang drama club si Pula at nag-mememorize siya ng script niya. Hehe. "Lagi kang mag iingat Sum. Alagaan mo yang puso mo, ipagkatiwala mo lang yan sa taong dapat pagkatiwalaan." Sabi niya na naman n nakatingin na sakin. So, nagbibigay siya ng advice? "Haha. Sus! Dami pang sinasabi eh, oo naman." Nakangiting sagot ko. Mabilis na dumaan ang oras at uwian na naman. "Yey! Medyo nahirapan ako sa surprise quiz na 'yun ni Ma'am Baday ah. Sana lang ma-perfect ko." Wala sa sariling sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit ko. "Ikaw pa ba? Kahit naman halos dalawang linggo kang hindi pumasok, matalas pa din ang memorya mo pagdating sa lessons. Sa lessons lang ah." Hindi ko alam kung papuri ba ang sinabi niyang iyon o ano, kaya tinawanan ko na lang siya. "Hatid na kita?" Pagprisinta niya. Bakit ba ang ganda ko ngayon? Haha "Wag na Pula, mangchicks ka na lang." Nakangiting sabi ko. "Alam mo naman na ikaw lang ang chick ko eh." Nalungkot na sabi niya sabay yuko. "Weh? Hahaha! Wag nga ako Pula, may maghahatid na sakin. Ang ganda ko kasi. Haha!" Mayabang na sabi ko sabay tayo. "Babay Pula, kita tayo bukas." Pagpaalam ko sakanya sabay talikod at labas sa classroom. Paglabas ko ng classroom, nakita kong nakatayo at nakasandal si Xyrus sa dingding. Mukhang ang lalim ng iniisip niya kaya hindi niya napansin na papalapit na ako sa kaniya. Ang gwapo niya pala kapag seryoso, yun nga lang ang sungit at suplado tignan. Hays. Bakit parang ngayon ko lang yata naappreciate ang kagwapuhan niya? OMG! Hindi kaya? NOOOOO! Ano kaya ang iniisip ng lalaking 'to at hindi niya napapansin ang presensya ko. "Uy!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya. Halatang nagulat naman siya sa ginawa ko pero kinalaunan ay ngumiti rin. Inayos nito ang pagkakatayo. "Kanina ka pa diyan?" "Medyo? Ano bang iniisip mo?" Echoserang tanong ko. Ngumiti ito na ikinahiya ko. At hindi ko alam kung bakit nahiya ako bigla! "Ikaw." I paused for a minute. Ako iniisip niya? "A-Ako?" Anong nakain nito at puro ngiti lang ang reaction niya mula nung makita niya ako? Hindi kaya. Omyg! "Hoy!" Nakangiti lang talaga siya. Katakot ah! "Yes?" Tapos ay inayos niya ang pagkakatayo niya. "M-May dumi ba ako sa mukha?" Naiilang na tanong ko. Eh kasi naman makatitig siya parang binabasa ang itsura ko, nakakailang. "Wala. Uuwi na tayo?" Wala naman pala. Akala ko. "Hmm." Nagkunot ang noo niya. "Ayaw mong mamasyal?" Mamasyal? Woah! Mamamasyal kami? Gustong gusto ko mamasyal kaso... ...si Papa. Alam ko naman na pagbabawalan niya ako. Nalungkot lang ako sa naisip ko na yun. Napabuntong hininga na lang ako. "Gusto ko sana kaso si Papa---" "Pinagpaalam na kita. Let's go?" Ay? Pumayag ang Papa ko? Himala yata. Samantalang pag ako nagpaalam ang higpit higpit. Hmp! Habang nasa byahe tumingin muna siya sakin bago nagsalita. "Saan mo gusto pumunta?" "Hmm..." Nag isip muna ako ng magandang pasyalan pero wala naman akong maisip. Kaya "Kahit saan nalang, basta tahimik at saka masarap ang simoy ng hangin." Yan na lang nasabi ko. "As you wish." Sabi niya sabay ngiti ng pagkatamis tamis. *dug dug* *dug dug* Ito na naman ang puso ko! Argh. Mapang asar din talaga eh. Bigla-bigla na lang titibok ng mabilis. Huhu "Hey. Nandito na tayo." Pagbasag niya sa katahimikan. Napapailing akong bumaba sa kotse niya at iginala ang mata ko sa paligid. At "Wow!" Manghang sabi ko. "Just, wow!" Mabilis akong nakalabas ng kotse habang nakatingin sa magandang view na nasa harap ko ngayon. Napansin kong bumaba na rin ng kotse si Xyrus. Hindi ko man siya nakikita, alam kong sakin siya nakatingin. "Maganda ba?" "Oo naman! Super!" Excited na sagot ko sabay tanggal sa sapatos at medyas na suot ko. Tila nataranta naman siya sa ginagawa ko. "Uy, uy teka! Anong ginagawa mo?" "Gusto kong magtampisaw sa dagat. Tara, samahan mo 'ko dali." Sabay hila ko sa kaniya. Mabilis na tinanggal niya din ang sapatos niya at sumabay sakin habang tawa ng tawa. Tama. Nasa dagat kami. Kung saan sariwa ang hangin, tahimik ang paligid na tanging alon lang ang maririnig. Naghabulan kami ni Xyrus sa dalampasigan. Para kaming mga batang sabik maglaro sa dagat. Nang medyo napagod na ay sabay kaming nahiga sa buhanginan. "Hay, ang sarap sa pakiramdam." Wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin ako sa langit. Napansin kong tumingin siya sakin at ngumiti bago tumingin rin sa langit. "Alam mo ba na isa ito sa pinupuntahan ko lagi kapag gusto kong takasan ang magulong mundo ko?" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa taas. Napatingin ako sa kaniya. "Talaga?" Buti pa siya. Eh di ibig sabihin, lagi na siyang napunta dito nung nakilala niya ako? Hehe. Teka, "Kailan ang huling punta mo dito?" "Hindi ko na matandaan eh, simula kasi nung dumating ka sa buhay ko naging perpekto na ito." OMG! Ayan na naman siya! Yung puso ko! Amp Hindi ako makapagsalita. Magsalita ka Summer, dali.. "Ah. H-Hehe." Yan nalang tanging nasabi ko. Bakit bigla naman yata akong nahiya? Ugh! "Teka, anong oras na?" Biglang tanong niya. Oo nga pala, baka hinahanap na ako ng Papa ko. "5:29 pm." Tumingin pala siya sa wrist watch niya. Tanong niya, sagot niya. Hehe. "Tayo ka dali." Sabay hila niya sakin para makatayo ako. Saan naman kaya pupunta? Tumakbo kami ng tumakbo hanggang makarating kami sa magandang pwesto kung saan makikita ang magandang view ng... "Woah! Ang ganda..." Mahinang sambit ko habang manghang-manghang nakatitig sa palubog na araw. Grabe ang ganda talaga. Ang sarap lang pagmasdan. Perfect view. "Oo nga, ang ganda. Sobra." Pag sang-ayon niya sakin. Tatango-tango naman ako habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa sunset. Nang bigla kong lingunin si Xyrus ay nagtama ang mga mata namin. Nakangiti lang siya habang nakatitig sakin. Kanina pa ba siya nakatingin sakin ng ganyan? *lunok* "H-Hoy! Okay ka lang?" Sabi ko bilang pag iwas sa mga titig niya. Bakit parang hinihigop ang lakas ko ng magtitigan kami? Hala. Nakakatakot. Maya-maya'y napagpasyahan na naming bumalik sa kotse. Pareho kaming nakangiti nang sumakay. Bago pa man niya paandarin ang kotse niya, nagsalita na ako. Huminga muna ako ng malalim bago nakangiting nagsalita. "Alam mo ba na first time kong makapunta sa dagat?" Pag uumpisa ko. Tumingin ako sa kaniya na halatang nagulat sa sinabi ko. "Bata pa lang ako, pinangarap ko ng makapunta sa ganto kaso hindi pwede." Hindi pwede kasi bawal. Naiintindihan ko naman si Papa kung bakit pinagbabawalan niya ako. Concern lang siya sa kalagayan ko. "Ganun ba? Gusto mo dito na lang tayo tumira?" Napanganga ako sa sinabi niya saka ako tumawa. Ngayon na lang ulit ako naging masaya ng ganito. Ang saya! Sobra. Thank you Xy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD