XYRUS JAVI's POV Iniwan ko na muna si Summer sandali para pumunta kay Manang. Naabutan ko naman itong inaayos ang ibang halaman sa garden sa likod. "Hi po Manang." Lumingon ito nang marinig ako. "Xyrus Iho?" Nagulat pa siya nang makita ako. Binaba niya muna ang hawak-hawak niyang paso bago lumapit sakin. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" Napahawak ako sa batok ko. "Ah. Na-late na po kasi kami ng pasok eh." "Nalate? Eh ang aga mo umalis dito kanina ah. Aba Iho, may dinaanan ka pa ba?" "Opo. May kasama po pala ako." "Aba, eh sino? Si Steven ba?" Madalas kasi dito si Steven kaya kilalang kilala na siya ni Manang. Umiling ako kaya nagtanong siya ulit. "Iyong Cassey ba?" Maging si Cassey ay kilala na rin ni Manang pero sabi niya, malayo daw ang loob niya dito. 'Di ko lang al

