Nagising ako nang maramdaman kong may kumakalabit sakin. "Ano ba?" Bumangon ako at inis na tiningnan kung sino ang gumigising sakin.
"Aba Wong! Gumising ka na, one hour nalang magsisimula na yung training. Mabagal ka pa naman kumilos."
"Jusmiyo! Ang ingay-ingay mo, one hour pa pala."
I said to my bestfriend/teammate. By the way my name is Maria Deanna Izabella Alvizo Wong, half chinese and I am nineteen years old. I am part of Ateneo Women's Volleyball Team.
"WONG KILOS NA!!"
Dahil galing na kay captain, dali-dali akong kumilos. Baka mapa-push up pa ko, ayoko nun.
"Gusto mo talaga si Madayag pa yung nag-uutos sayo." Sabi ni Ponggay paglabas ko ng CR.
Hindi ko siya pinansin. Nagsuklay at nagsuot ako ng sapatos saka bumaba para kumain ng breakfast.
"Kain na, Wong." Binigay sakin ni ate Jho ang isang plate na naglalaman ng sandwich.
"Anong palaman ate?"
"Kung anong meron palaman rito." Sabay tawa niya.
Napailing na lang ako at naupo sa tabi ni ate Bea. "Morning ate Bea."
"Morning."
"Walang gana?" Tanong ko.
Bumulong ito sakin. "Wala."
"Lq kayo?"
Tumango naman ito at napasimangot. Naalala siguro paano sila nag-away ni ate Jho. Hahahah! Mag-syota kasi talaga yung Jhobea.
"Tara na!" Sigaw ni ate Mads.
"Ang ingay mo talaga, Madayag." Sabi ni ate Bea paglabas namin ng kitchen.
"Tse!" Sabay irap nito.
Nagtawanan naman kami at lumabas na. "Deans sakin ka na sumabay, hatakin mo na rin si Jho."
"Cge ate Bei."
Nilapitan ko si ate Jho na kasalukuyan kausap si Ria at ate Vebs. "Ate Jho sakin ka na sumabay."
"Paano siya sasabay sayo? Eh wala ka naman kotse."
"Manahimik ka, Jake."
Bago pa maka-angal si ate Jho ay hinila ko na siya patungo sa kotse ni ate Bea. "Deanna ano ba?!"
Tinulak ko na siya papasok saka pumasok sa loob ng backseat. "Jho sorry na."
Pinigilan ko matawa dahil sa mukha ni ate Bea. "Tumigil ka nga, Bea. Magdrive ka na dyan, yari ka sakin kapag nalate tayo sa training." Pagtapos ay tumingin ito sakin nang masama.
Pagdating namin sa BEG ay tinulungan ko agad si captain magkabit ng net saka mga bola. Yung iba naman ay nakaupo lang sa bleacher.
"Wait lang, Deans." Paalam ni ate Mads at pinuntahan ang mga ka-teammates ko na kanya-kanyang nagce-cellphone. "BAKA GUSTO NIYO NAMAN TUMULONG?!"
Sabay-sabay silang napatingin kay ate Mads na naka-cross arms. "Tinutulungan ka naman ni Deanna, Madayag eh."
Nakita kong tinaasan ni ate Maddie ng kilay si Ponggay dahil siguro sa pangangatwiran niya.
"Nangangatwiran ka? Cge push up one hundred."
Aangal sana si Ponggay pero may binulong si ate Bea rito kaya laglag balikat na pumunta si Pongs sa gitna at doon nag-push up.
"Yan kasi, kawawa ka tuloy." I mouthed to her.
Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang pag-push up. Hindi lang natapos doon ang parusa niya dahil pina-sit up rin siya ni ate Mads ng one hundred.
Kawawang Ponggay . . .
Kahit ayoko pa gumising ay napilitan ako bumangon.
No choice, kailangan ko mag training at bilang isang captain, kailangan ako ang nauuna sa kanilang lahat.
"Good morning ate Jema." Bati sakin ni Joria.
Ngiti at tango lang ang sinagot ko sa kanya at tumungo na sa kitchen area namin dito sa dorm.
"Morning ate Jema. Coffee mo." Inabutan ako ni Thang ng coffee. "Alam ko bababa ka na eh."
"Salamat cutie." Sabay kurot sa pisngi niya at naupo sa tabi ni Joy. "Bakit hindi ka kumakain?"
"Wala akong gana, Jema."
"Bakit? Bawal mag training nang hindi kumakain." Sabi ko.
"Alam ko pero wala talaga ako sa mood."
"Sus, nag-away kayo ng boyfriend mo noh?" Sabay alog sa balikat niya.
"Hindi. Wala lang talaga akong gana."
"Hay na ko. Kilala kita, Joy. Kung ako sayo kumain kana kesa isumbong kita kay coach Air." Hindi ito nagsalita. Kumuha ako ng cake sa ref at binigay ito sa kanya. "Ako na kumuha niyan, kainin mo yan kundi isusumbong talaga kita."
Lumabas na ko ng kitchen area, pinuntahan ko si Mylene na kasalukuyan nagsisintas ng shoes.
"Punta ka na sa gym? May thirty minutes pa."
"Nagsisintas lang para mamaya wala nang gagawin."
Umakyat ako sa kwarto para makaligo na. Madami pa naman akong routine kapag umaga.
By the way my name is Jessica Margarett Casidsid Galanza, I am twenty one years old and half tao. Charot! I am part of Adamson Women's volleyball Team and I'm the captain.
Ganda ko, diba? Hahahah! Feeling ko talaga.
*TOK!*TOK!*TOK!*
"Jema bilisan mo!" Rinig kong sigaw ni Mylene.
"Oo. Wait lang." Nakatapis lang ako paglabas ko ng bathroom kaya bigla itong napatalikod. "Hoy! Ang arte mo, parang hindi ka babae."
Humarap naman ito sakin pero sa baba ang tingin. "Alam mo naman na naiilang ako kapag ganyan."
"Aminin mo nga, Mylene. Isa ka ba samin? Bisexual ka rin ba?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi. Straight ako, sadyang naiilang lang talaga ako."
Hindi naman na ko nagsalita pa at nagbihis na. Siniguro kong maayos muna ang aking gym bag bago lumabas ng dorm.
"Jema sabay ka na sakin." Biglang sumulpot sa gilid ko si Fhen.
Nginitian ko siya ng plastic. "May kotse naman ako." Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar na ito patungo sa gym.
Bakit nga ba ko nag-kotse? Eh sobrang lapit lang naman. Engot ko talaga! Nag-sayang pa ko ng gas.
"Morning coach. Late na ba kami?" Tanong ko kay coach Air pagpasok ko sa gym.
"Hindi, napa-aga lang talaga yung dating ko. Nasan na yung iba?"
"Parating na po, naglakad lang kasi sila."
Tumango naman ito. Nag-kwentuhan muna kami ni coach Air habang wala pa yung ibang teammates ko.
Nilibre pa ko ni coach Air ng coffee. Wiw! Sarap kasi libre. Hahahah! Maya't-maya dumating na rin yung mga teammates ko kaya sinet up na namin yung net at yung iba pang gagamitin sa drills.
Deanna Point of View
Nang matapos ang training namin ay sumama ako sa JhoBea, kakain sila and niyaya naman ako ni ate Bea.
"Kumain ka ng marami, Deans."
"Ang lakas lakas nga niyan kumain beh." Sabi ni ate Bea.
"Malakas nga, hindi naman tumataba. Isa pa hindi naman healthy yung ibang kinakain ng batang yan." Tukoy sakin ni ate Jho.
"Healthy kaya yun."
"Hindi healthy yun." Ate Jho said.
Napaismid na lang ako at kumain. Hindi ko sila pinansin, busy sila sa paghaharutan eh.
Matapos kami kumain ay hinatid na ko nila sa faura hall. "Salamat mga ate. Bye!"
Naglakad na ko paakyat gamit ang hagdanan. Dumeretso ako sa classroom.
"Uy Deans, bakit ngayon ka lang?" Pongs asked.
Ngumisi ako. "Pinakain ako ni ate Bea at ate Jho."
"Whaa! Daya! Bakit hindi niyo ko ininvite?" Ponggay asked.
"Malakas ka raw kumain kaya hindi ka na ininvite ni ate Bei."
Biglang sumimangot ito kaya tawang-tawa ako naupo sa tabi niya. Mayat-maya dumating ang professor namin hudyat na kailangan na namin maghanda.
May exam kami ngayon and s**t lang, hindi ako nakapag-review.
"Ms. Wong, dito ka sa harap."
"Yes sir." Lumipat ako sa tabi ni Ron. "Nag-review ka?"
Mahina siyang tumawa at umiling. "Hindi."
"Anong pinagbubulungan niyo?"
"Wala Professor." Sabay namin sabi ni Ron at nagfocus na sa exam namin.
SHETE! HINDI KO ALAM!
"Kamusta?" Tanong ni Ron habang palabas kami ng classroom.
Humawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ito. "Ang sakit sa ulo."
Biglang may umakbay sakin kaya napatingin ako rito. "Musta exam? Mahirap ba?"
"Sobra."
"Hahahah! Yan ang napapala ng hindi nagre-review." Sabi ni Ponggay at iniwan na kami ni Ron.
"Kain muna tayo. Treat ko."
"Mabuti pa nga."
Naglakad kami patungo sa college cafeteria. "Order ka na, Deans."
"Hindi ka talaga gentleman." Masungit kong sabi at kinuha ang pera niya na nasa ibabaw ng lamesa. "Ano sayo?"
"Kung ano yung sayo, ganun din yung akin."
Pumunta ako sa isang food stall at umorder ng dalawang chicken mushroom.
"Kuya pahatid na lang po."
"Cge hija."
Binalikan ko na si Ron na kasalukuyan may kausap sa cellphone. "Cge bye." He looked at me. "Anong inorder mo?"
"Chicken mushroom."
"Good." Sabay ngiti niya. "Sukli ko?"
"Anong sukli mo? Eh one hundred nga lang yung binigay mo."
Napakamot naman ito sa kanyang ulo. "Oo nga pala."
"Tsk!"
Sakit talaga ng ulo ko. Parang gusto ko umuwi sa pamilya ko kaso sa cebu pa eh, sobrang layo.
Hindi katulad ng ibang teammates ko na tiga rito talaga sa manila. Miss ko na sila mom and dad tsaka yung mga kapatid ko pwera lang sa isa.
"Ms. Deanna ito na po."
"Salamat." Sabi ko at nagsimula na kumain, ganun din si Ron. "Kailan game niyo?"
"Linggo pa, kayo?"
"Bukas na." Sabi ko.
"Manonood ako. Sino kalaban niyo?"
"Sino pa ba? Edi yung mga tiga Adamson."
"Naku! Mahirap pala kalaban niyo, lalong lalo na yung spiker nila na si Jema." Sabi niya.
"Jema Galanza?" Tumango naman ito. "Kaya namin yun, meron ang ateneo na Madayag, Bdl, Maraguinot saka Tolentino."
"At meron pang WONG!"
Napatawa naman ako. Nang matapos kami kumain, hinatid niya na ko sa dorm namin.
Jema Point of View
Nang natapos ang aming training ay nagmukmok lang ako rito sa dorm. Nakakaboring, walang magawa.
Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!"
"Hoy Jema! Kanina ka pa rito?" Joy asked me.
"Maka-hoy ka! Wala kang galang sa senior mo."
"Sorry naman cap." Inirapan ko lang siya at dumapa. "Cap sama ka samin, mall tayo."
"Ayoko. Mabuti pa magpahinga na lang kayo kasi may mabigat tayong kalaban bukas."
"Cge na cap." Sabay hila niya sakin.
"Ayoko."
"Hay. Patay." Rinig kong sabi niya kaya't napatingin ako sa kanya.
"Anong patay?"
Gulat itong napatingin sakin. "Huh? Wala cap." Sabay iwas ng tingin. "Cap samahan mo na lang ako sa court."
Tumayo ako at nagbihis. "Tara na, napaka-kulit mo talaga." Sabay kurot sa pisngi nito.
Habang naglalakad kami sa patungo sa court ay hindi ito mapakali kaya nagtaka ako.
Papasok na sana ako sa court pero hinawakan niya ko. "Jema." Piniringan niya ko.
"Hoy bakit?"
"Basta."
"Joy yari ka sakin."
"Saglit lang 'to, Jema."
Alalay niya ko habang naglalakad kami, ramdam kong nasa loob na kami ng court.
"Ano ba 'to Joy?" Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyo at sumalubong sakin ang mukha ni Fhen. "Ano 'to?"
Nandito lahat ng teammates ko. Lahat sila ay nakagilid pwera lang kay Fhen na nasa gitna at may hawak na bouquet flower.
"Jema." Lumapit ito sakin.
Tiningnan ko lang siya, walang emosyon ang aking mukha.
"What?" I crossed my arms.
"Para sayo." Hindi ko tinanggap ang flower na binigay niya, tinitigan ko lang ito. "Nandito ako para humingi sayo ng tawad."
"Nakahingi ka na, diba? Bakit mo pa 'to ginagawa? Gumastos ka pa." Tiningnan ko ang mga hawak ng teammates ko, may hawak silang banner saka balloons.
Nakalagay doon sa banner ang mukha namin dalawa ni Fhen, yung first picture namin together.
"Ginagawa ko 'to kasi mahal kita."
I smirked. "Talaga lang ha?"
"Oo, Jema mahal pa rin kita hanggang ngayon. Sana mapatawad at kalimutan muna ang nangyari noon. Pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko sayo noon, sana'y kalimutan muna iyon at magsimula tayo ulit."
Mapait akong napatawa dahil sa sinabi nito. Ang aking mga luha ay gusto ng bumagsak pero pilit kong pinipigilan, ayokong maging mahina sa harap niya.
"Siraulo ka ba talaga, Fhen? Gusto mo kalimutan ko ang panloloko mo sakin? Akala mo ba madali yun? Pwes kung madali para sayo, sakin HINDI!"
Kinuha ni Mylene ang flower na hawak nito at unti-unti na silang umalis. Susunod na sana ako pero napahinto ako dahil sa sinabi ni Fhen.
"Jema nagawa ko lang yun dahil natukso ako."
Galit ko siyang hinarap at hinawakan siya sa kwelyo. "f**k you Fhen! Three years naging tayo tapos hindi ko akalain na nawalan lang ako ng oras sayo, tumikim ka na ng iba. Ang malala bestfriend ko pa."
Pabalya ko siyang binitawan at iniwan na siya mag-isa. Pag-uwi ko sa dorm ay naabutan ko silang tahimik.
"Ate Jema, sorry."
Hindi ko sila pinansin at umakyat. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay doon na bumukas ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan.
SHIT KA FHEN EMNAS!!