Deanna Point of View
Pagtapos ng physics class ko ay nagkita kami ni Jema sa JSEC. "Hi Bb."
"Hello. Let's go?"
Tumango ako at pinaandar niya na ang kotse. "Saan tayo?"
"Nasa trinoma na si Cy at Mafe pati si Sheena."
"Sheena? Kapatid mo rin?" I asked.
"Hindi, girlfriend ni Mafe."
"Ah . ." Sabay tango ko.
Pagdating namin sa trinoma ay tumungo kami sa isang Japanese restaurant. "Cy, Mafe, Sheena, si Deanna pala."
Pakilala sakin ni Jema nang makita namin ang mga kaibigan at kapatid niya. "Hi ate Deanna, I'm Sheena."
"Hi Deanna. I'm Cy, matalik na kaibigan ni mareng Jema." Sabay lahad ng kamay nito.
Tinanggap ko naman yun. "I'm Deanna Wong." Naupo kami ni Jema sa harap nilang tatlo.
Umorder na kami ng pagkain. Habang kumakain kami ay kinakausap nila ako, saya pala nilang kausap.
"See you again, Deanna."
"Wait lang ate Deans, picture muna tayo." Binigay nito kay Jema ang phone niya. "Ate picturan mo kami."
Nakita ko ang pag-irap ni Jema sa kapatid niya bago pumwesto.
"Ayan na." Sabay bigay ni Jema kay Mafe ng phone at hinatak na ko papasok ng kotse. "Cy ikaw ng bahala diyan sa dalawa ah? Alis na kami. Bye!"
"Saan tayo?" Tanong ko habang nagdadrive siya.
"Apartment ko, movie marathon tayo dun."
"Wala ba family mo dun?"
"Nasa laguna sila, ako lang nakatira sa apartment ko." She said.
After a few minutes huminto kami sa isang bahay na two storey house. Hindi siya ganun kaganda pero maayos naman tingnan.
"Apartment mo 'to?" Tumango siya at inaya ako pumasok. Malinis ah tsaka unti lang ang gamit. "Matagal ka na ba rito nakatira?"
Nilingon niya ko. "Fourth year ako nung nagsimula ako mag-rent rito."
"Ah okay." Naupo ako sa couch na hindi kalakihan. "Anong panonoorin natin?"
"Horror." She opened the TV.
"Ano?!"
"Bakit?" Kumunot ang noo niya.
"Ah . . Wala." Nag-iwas ako ng tingin.
Shit! Ayoko pa naman ng horror movie.
Bb takot ako!
"Anong gusto mong horror?"
"K-kahit ano, i-ikaw ng b-bahala."
"Bakit pinagpapawisan ka? Hindi naman mainit ah." She asked.
"Ah wala. May tubig ka ba?"
"Nasa ref. Punta ka na lang sa kitchen."
Mabilis naman akong tumungo sa kitchen area niya, kumuha ako ng baso at tubig sa ref.
"A-anong napili mo?"
"The nun." Lumapit ito sakin at pinunasan ang noo ko gamit ang palad niya. "Natatakot ka?"
"H-hindi."
She smirked. "Dito ka lang, kukuha lang ako ng maiinom at makakain natin."
Tumango ako at naupo sa couch. Maya't-maya dumating na ito, may dala itong nachos, bread tsaka two beer can. May dala rin itong juice.
Naupo na ito sa tabi ko pagtapos niya mailapag lahat sa center table. "Iinom tayo?"
"Ako lang. Bawal ka, bata ka pa."
"Bata? Mag-twenty na kaya ako sa July." I said.
"Teen ka pa rin so bawal pa."
"Hm . . Sa bagay hindi naman ako umiinom. Umiinom lang ako kapag may celebration sa team."
Plinay niya na ang movie. Medyo dumikit ako rito, nakakatakot yung intro eh.
Jema Point of View
Naramdaman kong medyo dumikit ito sakin kaya naman inakbayan ko ito. "Don't be scared."
"Hindi ako natatakot ah." Sabay layo nito sakin.
"Tsk! Kaya pala hindi pa nagsisimula, pinagpapawisan ka na." Tumayo ako at nilakasan ang electric fan.
watching movie while eating.
Heavy.
"Nachos pa."
Tumayo naman ako at kumuha pa ng nachos sa ref. "Ayan na." Muli akong naupo sa tabi niya.
"Thank you."
Maya't-maya humikab ito. "Are you tired?"
"Nope."
"Do you still have a class?" I asked.
"Wala na." Sumandal siya sakin so I hugged her. "Tulog muna ako."
"Gusto mo sa kwarto? Para mas comfortable ka."
"Ayaw." She closed her eyes.
Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa panonood. Mahina pala 'tong si bata, antukin.
After an hour natapos nadin ang pinapanood ko. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa couch.
"Sleep well, Bb." I kissed her forehead.
Napatingin ako sa orasan. Four na pala, five training ko. Naligo ako at iniwan ko siyang tulog sa apartment, nag-iwan ako ng letter bago tuluyan umalis.
Nang mag-water break ay saka ko tiningnan ang phone ko, bumungad sakin ang text ni Deanna.
"Hey! Hindi mo man lang ako ginising. Ni-lock ko na apartment mo, umalis na ko."
Kanina pa 'tong six, eight o clock na. Dali-dali akong nag-reply at uminom na ng gatorade.
"Text before drink." Ate Jia said.
Nginitian ko lang ito. Lahat ng teammates ko ay alam ng kami ni Deanna and lahat sila ay support.
Sarap sa pakiramdam na may teammates kang sinusuportahan ka lagi sa mga bagay-bagay.
Ten o clock natapos ang aking training so pag-uwi ko ay nahiga ako sa bed, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa kumakatok. Sino na naman ba yan? Istorbo.
"Oh Mafe, anong ginagawa mo rito?"
"Friday po ngayon. Duh!" Sabay pasok nito sa loob, binangga pa ko.
Kainis!
"Eh ano naman kung friday? Dapat nasa school ka ngayon ah."
Sinara ko ang gate at sumunod sa kanya.
"Gosh! Hindi mo ba alam ate?"
"Ang alin?" Takang tanong ko.
"Holiday po ngayon."
"Anong mayron?"
"Ewan ko, tanong mo kay duterte."
"Bastos ka talaga!" Sabay bato rito ng tsinelas. "Dyan ka lang, maghihilamos lang ako."
"Cge, luto na ko ng breakfast." Tumungo ito sa kitchen habang ako ay tumungo sa CR ng kwarto ko para makapaghilamos.
Nang matapos ako ay chineck ko ang phone ko. Dami palang text ni Deanna. "Bb sorry nakatulog agad ako, ten o clock na natapos training namin eh."
Bumaba na ko at naabutan ko si Mafe na lumalamon na. "Hindi mo talaga ako hinintay, takaw mo."
"Sorry." Sabay hagikgik niya. "Nga pala ate nagtext sakin si ate Deanna. Hindi ka daw sumasagot sa tawag niya."
"Paano niya nalaman number mo?"
"hiningi ko number niya tapos hiningi niya rin number ko. Ganda ko, diba?" Napairap na lang ako dahil sa kayabangan ng kapatid ko. "Tsaka aalis daw siya, kasama yung bestfriend niyang si Luigi."
"Luigi?"
"Luigi, yung laging kasama niya na lalaki. Sabi ni ate Deanna mag-beach daw sila nun tapos uuwi din daw bukas ng hapon."
"What?! Bakit sayo sinabi?"
"Aba'y hindi ka daw kasi sumasagot."
Napahilot na lang ako sa sentido ko. Naku naman oh! Balak ko pa naman mag-bonding kami ngayon. Tinulugan niya ko kasi kahapon.
Kainis naman! Dapat time namin ngayon eh.
Deanna Point of View
I'm here in Nasugbu, batangas. Magbi-beach ako kasama si Luigi, naisipan namin mag-bonding ngayon.
Magiging busy na kasi siya ulit sa darating na June.
"Deans tara na, nakapag-check in na ko."
Sumakay kami ng elevator.
Habang nasa loob kami ng elevator ay biglang nag-vibrate yung phone ko.
So I checked my phone. "Bb sorry nakatulog agad ako, ten o clock na natapos training namin eh."
Kagabi kasi hindi ito sumasagot sa text tsaka tawag ko, hindi ko tuloy na sabi sa kanya na wala ako ngayon sa manila.
Pero na sabi ko naman kay Mafe, yung kapatid niya tinext ko.
"Cool."
"Dun na lang ako sa sofa, malaki naman."
"Pero maliit ka." Asar ko sabay talon sa kama. "Mauna ka na magbihis, Gi."
Tumango naman ito. Pagtapos niya mailapag yung bag niya, pumasok na siya sa CR.
Magre-reply sana ako kay Jema kaso nagtext ulit ito. "Enjoy your vacation."
I think alam niya na. "Hi Bb, sorry hindi ko na sabi sayo, biglaan kasi eh. Promise bukas uuwi agad ako."
"Deans ikaw na."
"Bilis ah." Pumasok na ko sa CR at nagpalit ng sports bra tsaka yung partner nitong underwear. "Let's go, Gi."
Iniwan ko yung phone ko sa bag at tumungo na kami sa beach ni Luigi. "Iba ka talaga, Deans. Pinagtitinginan ka samantalang hindi ka naman naka-two piece."
"Saya mo naman."
"Syempre hindi, nakakabastos kaya yung tingin nila."
Kumapit ako rito. "Para isipin nila na boyfriend kita."
"Ew!"
"Mukha mo."
Buti naman unti lang ang tao, hindi katulad sa ibang beach.
Lumusong kami sa tubig.
"Picture." He said habang nakatapat sakin ang camera.
Ngumiti naman ako. "Patingin."
Maya't-maya naisipan namin maglaro ng volleyball. "Four one."
"Ang daya mo, Gi. Two one lang kanina eh, naging four one agad?"
"Oo, magaling ako eh."
Napairap na lang ako.
Minsan talaga ang hangin ni Luigi eh, minsan naman humble.
Ang gulo.
Kinabukasan nang sumapit ang four o clock, umalis na kami sa resort.
May family dinner kasi si Gi.
"Gi hatid mo na lang ako sa apartment ni Jema."
He nodded. I called Jema, mabilis naman ito sumagot. "Bb punta ako diyan sa apartment mo."
"Bahala ka." Aw! Nagtatampo ang Bb ko.
Ilang beses kasi siya tumawag sakin kahapon, eh iniwan ko nga yung phone ko sa room
"See you." I hang up the phone.
After nang mahabang byahe ay narating na din namin ni Luigi ang apartment ni Jema.
Kumatok ako at agad naman lumabas si Jema, binuksan nito ang gate. "Oh?"
"Hi Bb." Hinila ko si Luigi. "Bb this is Luigi. Luigi this is Jema, my beautiful girlfriend."
"Hi Jema."
"Hello." Gusto kong matawa dahil sa itsura ni Jema nung nginitian niya si Luigi, halatang plastic.
"Uhm . . Hinatid ko lang si Deanna rito, aalis na din ako. Bye sa inyo."
Pagkaalis ni Luigi ay hinatak ako ni Jema papasok sa apartment niya. "Sinama mo pa talaga siya rito."
"Syempre Bb, alam mo naman na wala akong kotse eh."
"Edi sana nag-grab or taxi ka na lang." Pinaupo ako nito sa couch. "Wag mo sahihin na wala kang pera, Nakapag-beach ka nga eh."
"Eh Bb mas maganda kung ihahatid ako ni Luigi rito." Pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa baywang niya. "Wag ka na magselos."
Tinulak nito ang mukha ko. "Hindi ako nagseselos, nagtatampo lang ako sayo."
Ngumuso ako. "Kiss mo ko para mawala yan tampo mo."
Hay! Oo nga pala. Hindi ko pa nadadampian ng halik ang labi niya. Ano kayang lasa?
"Edi wow."
Tinanggal nito ang kamay ko sa baywang niya at tumungo sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya.
Jema Point of View
Pumunta ako sa kitchen para ipagpatuloy yung binebake kong cookies.
Naramdaman kong nakasunod sakin yung si Bata. "Bb ano yan?" Tukoy niya sa mga ingredients na nakalapag sa dining table.
"Nagbe-bake ako ng cookies."
"Mabuti ka pa."
Nilingon ko siya. "Hindi marunong?"
"Pritong itlog nga lang, hindi ko pa magawa eh."
Napailing naman ako. "Iba talaga kapag laki sa yaman."
"Paano mo nalaman?"
"I-stalker mo ko. Charot!" Nang matapos ako mag-bake ay pinatikim ko kay Deanna. "Masarap?"
"Delicious. Kasing sarap mo mag-bake si mommy."
"Bolera."
"Totoo kaya. Nga pala, wala kang training?" She asked.
"Meron kaninang umaga."
"Dito ako matutulog, Bb."
"Bakit?" I asked.
"Para makasama ka. Movie marathon tayo hanggang madaling araw."
"Wow ha! Tinulugan mo nga ako nung nag-movie marathon tayo eh."
"Ito wala nang tulugan." She said.
"Weh? Pag natulog ka itutulak kita, okay?"
"Deal."
Nagpaalam ito na tatawagan niya lang daw si Maddie para magpaalam na dito matutulog.
Wala pa sa kalahati yung pinapanood namin ay nakatulog na si Deanna.
Hinaplos ko ang mukha niya.
Baby face.
Mukha siyang twelve years old, ang liit pa nung ulo.
I slowly kissed her forehead.
"Goodnight, Bb."
Nagising ako nang maramdaman kong may gumalaw. I slowly opened my eyes. "Morning Bb."
Dahan-dahan akong gumalaw. "Dito na pala tayo nakatulog."
Galing.
Nakatulog ako nang nakaupo lang.
Hahahah!
"Bb?" Napatingin ako kay Deanna.
Bakit nakabihis 'to?
"Hm?"
"Aalis muna ako, babalik din ako."
Napatayo naman ako. "Wait lang." Nagtungo ako sa CR para makapaghilamos muna.
Nakakahiya kay Deanna eh.
"Bb kailangan ko na umalis."
"Bakit nagmamadali ka?" I crossed my arms. "Saan pala punta mo?"
"Makikipagkita ako sa mga friends ko."
"Hm . . Gamitin mo na yung kotse ko."
"Wag na."
"Gamitin muna." Binigay ko rito ang susi. "Mag-ingat ka, balik agad. Okay?"
"Yes Bb, thank you." She kissed my cheek and umalis na siya.
Nagluto ako ng breakfast ko. Nang matapos ako magluto at kumain ay tinawagan ko si Mafe para papuntahin dito sa apartment ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ni Mafe nang dumating si Deanna. "Hi Bb. Nandito ka pala Mafe, Hi."
"Hi ate Deanna."
Tatayo sana si Mafe para lapitan si Deanna pero mabilis ko hinatak si Deanna paupo sa tabi ko.
"Landi mo." I said to Mafe.
"Grabe ka, payakap lang kay ate Deanna eh."
"Tse! Kumain ka na lang dyan." Humarap ako kay Deanna. "Kumain ka na?"
"Tapos na, Bb. Cge na ipagpatuloy mo na yan kinakain mo."
Tumango naman ako at mabilis na tinapos ang pagkain. "Dito natulog si ate Deanna?"
Tanong ni Mafe habang naghuhugas kami ng pinggan, si Deanna ay nasa sala.
"Oo."
"May nangyari na sa inyo?"
Nabitawan ko tuloy ang hawak ko dahil sa tanong nito. "Ikaw! Ang bastos mo."
"Eh nagtatanong lang naman ako eh." Sabay himas niya dun sa parteng pinalo ko. "Pero ate, may nangyari nga?"
"Wala, maghugas na nga lang tayo. Don't talk to me."
Pinulot ko ang sponge na nabitawan ko at pinagpatuloy na ang ginagawa namin. "Sungit."
Rinig kong bulong niya, hindi ko na lang siya pinansin pa. Minsan talaga nakakabigla yung lumalabas sa bibig ni Mafe.