Doon na ako nagpalipas ng oras sa loob ng silid ko hanggang sa dumating ang oras ng hapunan. Kinatok ako ni Kuya Kiel pero hindi ako bumangon. Hinayaan ko lang siya na kumatok nang kumatok kagaya ng mga kaganapan noon sa bahay nila sa tuwing sumasama ang loob ko sa kanilang magkakapatid at ayaw kong magpagalaw. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi galit kay Kuya Kiel ang dahilan ko kung bakit hindi ko siya pinagbuksan. Hindi ko siya pinagbuksan dahil nahihiya ako sa kanya. Napakatapang ko na sungitan at tarayan siya sa bawat pagkakataon na lumalapit siya sa akin. Dahil ang buong akala ko ay tinalikuran na niya ako noon at pinabayaan na lamang matapos ang mga kaganapan sa amin nina Tito Benjie sa loob ng bahay nila. Pero ang totoo ay sinubukan niya akong patawarin at muling tanggapin. H

