Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit ni Gino. Patay na siya nang madaluhan ng mga tao. Kabilang na sa mga sumaklolo sa kanya si Kuya Kiel pero wala rin siyang nagawa. Kumalat din sa buong hotel ang bulung-bulungan na may kinalaman daw si Tita Ruth sa nangyaring krimen kaugnay ng nangyaring matinding pagtatalo nila sa lobby kanina. Base kasi sa imbestigasyon ay dumanas muna ng matinding pagpapahirap si Gino bago siya nahulog mula sa veranda sa ikatlong palapag na naging sanhi ng pagkamatay niya. May mga nakita kasi silang bakas ng mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan niya. Bali ang mga braso niya at ayon sa autopsy ay hindi dahil sa pagkalaglag niya ang mga iyon. Sinadya daw na balian siya ng mga buto sa braso ng kung sino mang kriminal na pumatay sa kanya saka siya sinakal ng n

