Kiel's POV Part 5 Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko na mataas na ang araw. Mabilis akong nagtungo sa banyo saka na ako nagshower. Matapos akong makapagbihis ay bumaba kaagad ako bitbit ang mga gamit ko sa pag-aakalang wala na si Tita Rina dahil may trabaho ito. Nakababa na ako sa hagdan nang bigla siyang sumulpot galing sa kusina. Nagulat pa siya dahil nakabihis na ako at bitbit ko na ang dufflebag sa kanang kamay ko. "Nagmamadali ka ba?" tanong niya. Nang hindi ako sumagot ay dinugtungan niya iyon. "Kumain ka muna bago ka bumiyahe. Hindi ka kumain kagabi. Wag mong pabayaan ang sarili mo Kiel." "Wag po kayong mag-alala. Hindi na ako masyadong sakitin ngayon. Di tulad noon na palagi na lamang akong nasa ospital." malumanay na sagot ko.

