Biglang natigilan si Eirick at Ren habang papalabas sila sa hospital nang makita sa labas nang hospital ang mga fans ni Eirick. Dahil sa dami nang mga dumagsang mga fans nang binata kinailangang maglagay ang mga pulis nang barikada sa paligid nang hospital para hindi sila makalapit. Nag-aabang ang mga ito sa paglabas ni Eirick sa hospital. Nag paunlak nang interview ang manage ni Eirick at sinabing malapit nang makalabas nang hospital ang binata at hindi na sila kailangang mag-alala. Sa kasalukuyan, ayaw pa ring magsalita nang suspect tungkol sa nangyari, inamin nitong siya ang nag-iwan nang bag na may lamang improvised bomb. Pero sinabi nitong napag-utusan lang siya. Wala itong sinasabi tungkol sa nag-utos sa kanya. Nang makalabas sina Eirick sa hospital agad na nagsigawan ang mga fan

