Saan ka galing?” tanong ni Maria na sinalubong ang dalagang bumalik. Nasa kusina ang dalagang anak ni Susima at tumutulong sa iba pang kasambahay. Sa nakikita ni Ren, mukhang isang malaking handaan ang mangyayari dahil labis ang pagkaabala nang mga kasambahay doon. Napatingin siya sa paligid at hindi niya makita ang ina ni Maria. “May pagdiriwang ba?” tanong ni Ren sa dalaga. “Hindi mo alam? Darating ngayon ang pamilya nang mapapangasawa ni Seniorita Clara.” Wika nito kay Ren na halatang hindi makapaniwala dahil tila walang alam ang dalaga. “Seniorita Clara?” tanong nang dalaga. Ngayon lang ata niya narinig ang pangalang iyon. Ilang araw na siya sa mansion nang mga Carillo. Ang nakita palang niya ay ang mga magulang ni Eirick at ilang ang kasintahan nitong si Juana. Ngayon lang din n

