Okay ka lang ba?” Tanong nang babae habang nakatingin sa dalaga. Tila para ito naliligaw sa klase nang expression nang mukha nito. “Alam mo ba kung saan ka nakatira? Pasasamahan kita kay Maria.” Wika pa nang ginang. Muling napatingin si Ren sa mag-ina at muli pang napatingin sa klase nang kasuotan nang mga ito. Alam niyang nasa bansa parin siya. Nasa isang Movie set ba siya? Nakikita niya ang mga ganitong kasuotan sa mga palabas, libro at museum. Hindi naman niya akalaing nasa harap niya mismo. “Ako nga pala si Susima at ito ang anak ko si Maria.” Pakilala nang matanda sa dalaga. Ngunit hindi nagsalita ang dalaga at nakatingin lang sa mag-ina. Hindi parin nag si-sync in sa utak niya ang mga nangyayari. Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa kanya. “Inay. Mukhang pepe yata siya.” Wik

