CHAPTER 6

1438 Words
EPISODE 6 THIRD PERSON P O V Dumaan ang mga Araw at mga Linggo na ganuon pa din ang routine ng Buhay ni Ted, gigising sa Umaga para Pumasok sa Police Station, nag-i-inspectional Visit sa mga Establishment, ro-ronda sa mga lansangan, re-responde kapag may mga na-nga-nga-i-langan ng tulong. Pagkatapos ay uuwi ng Bahay para maka-Bonding ang mga Anak N'yang. Minsan naman ay namamasyal Silang mag-a-ama sa Iba't ibang Lugar Dito lang din sa Pilipinas. Lumalabas din Silang magkaka-baro kapag may nag-aya sa Kanyang uminom sandali o may Birthday na Anak. "Chief!? Wala pa din po Kayong Balita kay Nurse Grace?" untaga sa Akin ni SPO4 Aris, nakasakay Kami sa Patrol Car, S'ya ang Driver at katabi Naman N'ya Ako sa harapan. Ro-mo-ronda Kami para makita kung walang nangyayaring kaguluhan sa Ka-kalsadahan. "Wala eh! Na-i-isip ko din Naman S'ya pa-minsan minsan, Kaya lang nahihiya naman Akong pumuntang Arellano Hospital tapos magpa-Kilala at ayain S'yang Kumain sa Labas, hehe!" pabiro ko pang sagot sa Kanya. "Pero payag naman po ang mga Anak Mong magka-Lovelife ka ulit, Chief?" Tanong N'ya ulit "Payag naman Sila para daw may katabi Ako sa Pagtulog sa Gabi!" natatawa Kong Sagot kaya natawa na din S'ya. "Wala naman po palang problema sa mga Anak mo, Sa'yo na lang meron!" pabiro pa N'yang sabi kaya binatukan Kong bahagya tsaka Kami nagka-tawanan ulit "Bahala na ang Kapalaran sa Amin, Tatlong Linggo na nga mula ng mabaril Ako. 'Yun na ang Una't huli naming pagkikita." seryoso Ko naman Sagot "Mali po, Chief! Tayo po ang gagawa ng Kapalaran Natin! Alam N'yo naman po kung Saan S'ya pupuntahan para makilala pero Hindi N'yo ginagawa, nahihiya pa kayo. Paano po Kayo mapapa-lapit sa Kanya kung hindi Kayo gagawa ng First Move?" mahabang paliwanag N'ya at seryoso ang Mukha kaya hindi ko mabiro. Minsan talaga ay may laman din ang mga sinasabi Nito. "Oo nga, pero kasi iba Naman ang Sitwasyon Namin, pero once na makita ko ulit S'ya, Hindi na ko mahihiyang magpa-Kilala Basta nasa Tamang Lugar at pagkaka-Taon Kami." seryoso ko na ding Sagot sa Kanya, tumango tango lang S'ya at hindi na nagkomento pa, nakarating na kasi Kami Dito sa Police Station Namin. Pagkatapos ng Lunch Nila Doc Orlie at Grace ay Medyo dumistansya na si Grace sa Doctor, para naman daw Hindi na umasa. Kapag nag-a-ayang Kumain, Minsan tina-tanggihan na N'ya, nagda-dahilan na lang S'ya para lang hindi sumama ang loob nito. Sa uwian naman ay ina- agahan N'ya ang labas sa Ospital o kaya ay sa Likod ng Ospital S'ya dumadaan para lang hindi S'ya ma-ihatid Nito sa Bahay. Sa Tatlong Linggong nagdaan, ay Bahay - Ospital, Ospital - Bahay ang routine ni Grace. Minsan nakikipag-bonding din sa mga Kaibigan N'ya kapag Birthday ng mga Anak Nila katulad nung nag-Birthday ang Anak ng Bestfriend N'yang si Cherry, Duon Sila nag-Hapunang magka-kapatid, pumunta din kasi ang ibang Kaibigan Nila kaya medyo late na Silang Umuwi dahil napa- sarap ang Kwentuhan Nila. Kasabay Naman Nyang umuwi ang Dalawang Kapatid N'ya, walking distance lang Naman kaya kahit gabihin Sila ay Ayos lang. Minsan ay nagba-bonding din Silang magka-kapatid, pumupunta Sila sa Mall at naglalaro sa Arcade, Mga Lalake Kasi kaya pinag-bi-bigyan na N'ya. Pagkatapos ay pupuntahan Nila ang mga Magulang Nila sa Sementeryo para magdasal at mag- alay ng mga Bulaklak. TED P O V Ro-mo-ronda ulit Kami ni SPO4 Aris sa Kalsadang Sakop ng QCPD Station 1, Hindi Kami nagpapa-tunog ng wang wang kaya hindi napansin ang pagdating ng Sasakyan Namin ng Anim na Kabataan na nasa gilid ng Kalsada na nagpa-pambuno, nakahiga na Sila sa Kalsada pero 'yung Dalawang Pares na Kabataan ay nagsusuntukan pa din, may naipit pa Silang Dalawang Kabataan din sa Ilalim Nila. Hininto naman agad ni SPO4 Aris ang Patrol Car tsaka Kami bumaba Pareho, P-in-itu-han Namin Sila ng Dala Naming Whistle, nadinig naman Nila Tsaka Sila huminto sa pag-su-suntukan. Mag-ta-ta-takbo pa nga ang Apat na Kabataan mabuti at nahawakan Namin agad sa mga Braso. Tumayo lang Naman mula sa pagkaka-Higa ang Dalawang Kabataang nadaganan nung Apat Kanina. "Tatakas pa Kayo, ha!?" gigil na Sabi ni SPO4 Aris sa Dalawang hawak N'ya, hawak ko din 'yung Dalawang balak ding tumakas, 'yung Dalawang nadaganan ay nakatayo lang sa gilid ng Kalsada, ina-ayos ang nagulong School Uniform at natapunan pa pala ng ini-inom Nila sigurong Juice dahil may Kulay 'yung tubig na natapon sa Damit Nila. "Sakay!" Sabi ko naman sa Dalawang Kabataang Hawak Ko. Binuksan Ko ang Pinto sa Likod ng Patrol Car para maka-sakay Sila. Sumakay Naman Sila, pina-sakay din ni SPO4 'yung Dalawang Kabataang Hawak din N'ya. Nang maka-sakay na Sila pati si SPO4 Aris sa Driver Seat ay pinuntahan Ko naman 'yung Dalawang Kabataan na mangiyak-ngiyak, dahil nagkaruon pala ng sugat sa Siko dahil siguro sa pagkaka-dapa Nila "Sumama din Kayo sa Presinto," malumanay Ko namang Sabi sa Dalawa "Po!? Sir! Hindi naman po Kami Kasama Duon sa Apat na nagsu-suntukan, nakatayo nga lang po Kami Dito ng Kapatid Ko, nag-a-abang po Kami ng masasakyan Namin pauwi nang mabunggo po Nila Kami kaya po napa-dapa Kami." natatakot na Paliwanag ng Isang Kabataan, may Luha na ngang umagos sa Pisngi N'ya, Kambal siguro ito dahil mag-kamukha at mag-ka-sing-taas. "Basta sumama lang Kayo sa Amin, para i-paliwanag ang side N'yo, para na din magamot 'yang mga sugat N'yo, kung mapatunayan ngang hindi Kayo Kasama Duon sa Apat eh Sila ang papasagutin Natin D'yan sa pagpapa-Gamot N'yo." malumanay ko namang paliwanag na naka-ngiti para Hindi Sila matakot, Nagtinginan Muna ang Dalawang Kaharap ko tsaka tumango 'yung nagsalita Kanina. Kaya giniya ko na Sila sa Patrol Car. Pagsakay Namin ay pina-andar na ni SPO4 Aris ang Patrol Car paalis. "Uy! Mga Kabataan nga Naman!" palatak na Sabi ni SPO1 Cris, pagpasok pa lang Namin sa Presinto, pina-upo muna Namin Sila sa Silyang kaharap ng Desk Officer. "Sino sa Inyo ang nagsimula ng gulo?" malumanay Kong Tanong sa Anim pagka-upo pa lang Nila "Sila po!!" sabay sabay na Sabi nung Apat, tinuturo pa Nila ang Isa't Isa. Kaya natawa ang mga Kabaro Kong nakikinig lang "Itong Dalawang ito, Kasama N'yo ba?" Turo ko sa mag-kapatid na nakayuko "Hindi po!" Sagot naman nung Isang mas Malaki ang Katawan kesa duon sa Tatlo. "Nag-a-abang lang po Sila ng Sasakyan, nadaganan lang po Namin kaya po Sila napa-dapa." tugon naman nung Isa, kaya napa-upo ng tuwid ang mag-kapatid tsaka napa-tingin sa Akin. "Dahil sa kaguluhan N'yo may nadamay pa, tingnan N'yo 'yung mga Siko Nila nasugatan! Ipapasundo Ko Sila Dito sa Parents Nila para maipagamot ang mga Sugat, pero Kayo ang magbabayad ng magagastos Nila! Mukhang I-isang School lang Kayo nag-a-aral dahil pare-pareho Kayo ng School Uniform." mahabang sermon Ko sa Apat na nakayuko, Akala mo mga mababait "Opo! Pasensya na mga Bro!" hinging pasensya naman nung Apat sa mag-Kapatid, tumango lang naman ang mga Ito. "Kausapin Ko muna Itong Dalawa para masundo na at maipagamot ang mga Sugat. " Sabi ko sa Apat na Kabataan, kahit puro galos din naman ang Mukha at namamaga pa ng Pisngi nung Isa. Sira sira din ang mga suot na School Uniform. Kasalan naman Nila kaya mamaya na Sila mabigyan ng First Aid, kakausapin ko pa Kasi Sila, uunahin ko munang pauwiin Itong mga walang Kasalanan. "Paki-bigay N'yo Kay Desk Officer ang Name ng Magulang N'yo at Contact Number para masundo Kayo Dito, maipaliwanag din Namin ang nangyari sa Inyo para hindi Sila mag-alala." malumanay Kong Sabi sa Kausap Ko Kanina, mukhang mahiyain ang Isa kaya tahimik lang "Sir!? Wala na po Kaming mga Magulang, Ate na lang po Namin ang tumatayong Guardian Namin." Sagot ng Isa "Ganun ba!? sige paki-bigay mo sa Kanya ang Number ng Ate Mo para matawagan N'ya at masundo na Kayo Dito." turo ko sa Desk Officer, naawa pa ko sa mga Batang Ito, dahil maagang naulila sa mga Magulang. Naalala ko tuloy ang mga Anak ko, pero Nanay lang ang nawala sa Kanila dahil Buhay pa naman Ako, sa Dalawang Kabataang ito ay parehong Magulang ang Nawala. Kinaka-usap ko pa ng masinsinan ang Apat na Kabataan, magkaka-harap Kaming Lima ng tapikin ni SPO4 Aris ang Isang Balikat ko. Nang tingnan ko Sya ay may nginunguso S'ya sa may Pinto ng Presinto. Naka-talikod Kasi Ako, 'yung Apat na Kabataan na kausap Ko ang naka-harap sa Pinto, nasa gilid Nila si SPO4 Aris kaya nakikita Nila kung Sino ang pumapasok. Lumingon Ako sa may Pinto para tingnan kung Sino ang nginunguso ni SPO4, nagulat Ako ng humahangos na pumapasok ang naka-puting Damit. Bakas sa Mukha N'ya ang pag-a-alala. Napa-kunot din Naman ang Nuo Ko, Ano ang ginagawa N'ya Dito sa Presinto? Talagang Kapalaran na ang naglalapit sa Aming Dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD