EPISODE 24 GRACE P O V Pagkatapos Naming Mag- dakmaan este mag- ihaw ay naghain na Kami sa Dalampasigan para daw sa Boddle Fight. Kaya binuhat na ng mga Lalake ang Lamesa sa Tabi ng bonfire, tulong tulong naman Naming inayos. Nagreklamo pa si Aris na i- respeto ang mga Single dahil sinubuan Ako ng Kanina at Ulam ni Ted gamit ang Kamay N'ya. Naka- Kamay naman Kaming Lahat. Nagtawanan lang Kami, at masayang tinapos na ang Aming pagkain na puro Kwentuhan lang, walang dakmaang nangyari, hahaha. Kami ng mga Babae ang naghugas ng pinag- Kainan at pinag- lutuan. Mga Lalake ulit ang nagbalik ng Lamesa sa may Cottage tsaka Sila kumuha ng mga Drinks. Beer sa Kanila ni Aris, Soft drinks sa Aming mga Babae at Binatilyo. Naka- ikot Kaming paupo sa bonfire habang may tig- i- isang hawak na Can ng So

