LIAN'S POV Nitong mga nakaraan mukhang nagiging close kami ni Ziekiel. Well, madali syang pakisamahan 'yon nga lang talagang ayaw ko sa aura nya dahil naiinis parin ako. Tapos paiba-iba ang mood. Daig pa babaeng laging may dalaw b'wan-b'wan. Ewan ko ba kung anong kinakanin no'n, e. Nakakabaliw. "BABE!" Isa pa 'tong isang 'to, akala mo laging kumakain ng speaker, e. "Bakit?" tanong ko saka inayos ang gamit ko. Woah! Magsu-summer na kailangan ko na atang tignan ang list ko para makapunta ako sa beach na gusto ko. Hehe. "Kasi may balak kami ni Mark na mag-summer sa mansion nila Kiro then may malapit na beach do'n. P'wede tayong mag swimming any time,” suwestyon nya. Mukhang maganda kaso nando'n sila, e. Pakiramdam ko kasi bantay sarado ako. "Ayaw ko," sab

