High school na ako at matagal ko naman nang hindi na experience ulit ang ma-nuno. Sobrang kampante na ako kaya parang binalewala ko na din. Isang beses yung rosary ko, sa bag ko pala nailagay at hindi sa bulsa ng uniform namin sa school.
Part ako ng SGO or School Government Organization noon, at may tinatapos kaming project para mapaganda ang aming school. Medyo hindi pa kasi gaanong develop ang school namin dahil probinsya at ika nga ay malayo sa kabihasnan. Maputik at halos bundok dahil yung ibang rooms ay nakatayo sa medyo matarik.
Kailangan namin ng malalaking mga bato para sa ginagawa naming garden at sa sapang katabi lang ng school mayroon no'n.
Nagkataon na absent ang ilan sa mga member ng aming group kaya no choice ako kung hindi sumama na rin sa pangunguha. Tawid-bakod lang ay sapa na at sa ilalim ng bakod pa kami dumaan. Sadyang binutasan kasi iyon para yung tubig ay hindi maharangan. Sobrang nag-enjoy naman ako dahil puro lang kami tawanan. Mga kalog kasi ang mga kasama ko. Nawala na sa isip ko na yung rosary ko pala ay nasa bag ko na naiwan sa classroom.
Habang nag-e-enjoy kami sa pangunguha, may narinig akong boses na tinatawag ako. Mga three times siguro bago ako lumingon. Kasi nga mga luko-luko ang kasama ko at alam kong nang-g-good time lang kaya di ko pinapansin. Kaso yung pang huling tawag sa'kin sa likuran parang ang lapit na at iba yung pakiramdam ko. Promise para akong kinilabutan.
Nung lingunin ko na, doon na totoong tumayo ang balahibo ko dahil wala palang mga tao sa likod. Lahat ng kasama ko ay nasa unahan ko lang at busy sa paghaharutan. Nilapitan ko sila at tinanong kung tinawag ba nila ako. Pero lahat sila ay hindi ang sagot at kita sa mukha nila ang pagtataka.
Doon ko naalala ang rosary ko. Dali-dali akong umahon sa hanggang tuhod lang na tubig. Iniwan ko na din ang mga kasamahan ko pati ang mga batong inipon namin.
Kinagabihan ay inaapoy na naman ako ng lagnat. Hindi na ako nakapasok kinabukasan. Dinala ulit ako sa albularyo.
May imaheng lumitaw sa plato. Hindi ko mawari kung babae ba o lalaki iyon. Pero kung pagbabasehan ko ang boses na narinig ko ay lalaki ang may-ari non.
Ang sabi ng mang-gagamot, " Neng, diing tubigan ika nag-adon? Nakursunadan ka baga sadi.." ( Neng, saang tubigan ka nagpunta at parang na tipuhan ka nito?) kinilabutan ako at doon tumibay lalo ang paniniwala ko sa 'santiguar'. Wala naman kasi akong naikwento sa kanila na nagpunta ako sa sapa. Kahit kila mama ay hindi ko naikwento dahil mapapagalitan lang ako. Si papa kahit di yun naniniwala sa mga gan'to papagalitan pa rin ako dahil delikado kasi nga madulas.
Ayun nga pagdating sa bahay okay na agad ako na para lang akong nagdahilan. Yun nga lang nasermunan naman...