First time kong magkaroon ng trabaho sa isang sikat ng book store noon sa Legazpi. Masasabi kong malaking kompanya na iyon dahil may tatlong branch na sila sa iba pang lugar sa bicol.
Naalala ko nung nag-a-apply pa lang ako dito, takot na takot ako na mawala kasi nga hindi ko pa kabisado yung lugar dahil nasanay akong palaging nakakulong lang sa bahay at kung lumabas man ay palaging may kasama.
Panay ang dasal ko non na sana padalhan ako ng angel ni Papa Jesus para ituro sakin or gabayan ako para makahanap na ko ng work kasi nga parang wala na din akong pag-asang makapag-aral pa ng college. Although nag-take na din naman ako ng mga exams para sa scholarship ko, natatakot din akong baka hindi naman ako makapasa, masasayang ang oras at panahon ko kakamukmok sa bahay. Maiinggit lang ako sa mga classmates ko nung high school.
Naikot ko na din halos yung pinaka city ng Legazpi pero walaa pa akong makitang hiring na pwede kong pag-apply-an.
Love talaga ako ni Papa Jesus! Minuto lang kasi after kong magdasal na sana padalhan nya ako ng anghel, may lumapit agad sa'king lalaki na kasing age ko lang din base sa hitsura nya. Ang tanong nya pa, " Ate mag-aaply ka rin ba ng trabaho?" hindi pa man ako nakakasagot kasi nga stranger, and yung kasabihan na ' don't talk to stranger!' "Sabay na tayo, mag-a-apply din kasi ako." so ako naman napatanga ng konti sabay dasal ng tahimik "Thank you po Papa Jesus!"
Sabay kaming nagpasa ng resume (bio-data noon). Jeff pala ang pangalan ng angel in disguise ko, (kapangalan ng high school crush ko noon).
Seventeen pa lang ako noon kaya parang malabo ring makapasok ako. Ideya rin ni Jeff na gawing 18 na daw ang age ko kaya ayun nakapasa naman ako. After ng dalawang interview natanggap ako sa work. Pero sad to say ako lang ang nakapasa at hindi si Jeff.
Sales clerk ang unang naging trabaho ko sa bookstore na iyon and after three days cashier na agad. I can say na maraming natuwa sakin sa mga katrabaho ko kasi newbie ako at parang bini-baby nila ako don mula sa mga guards hanggang sa mga seniors na katrabaho ko. Pero syempre, di mawawalan ng kontrabida. Pero iilan lang naman sila.
Sabi nga ng iba, naiinggit daw sa'kin kasi kahit newbie lang ako, madali daw akong matuto kaya naging favorite ako ng mga boss. Ako na kasi ang pinagka-kaha nila sa second floor which is mga mamahaling books ang nandon. 500k. ang nireremit ko tuwing closing namin at never akong na-short.
Madami ring gustong lumigaw noon sakin pero deadma lang ako. Isip bata pa rin naman kasi ako non eh. Nakipag- break na nga ako sa jowa kong super bait. Totoong mabait yun, kaso nga lang feeling ko, na-fall out na ako sa kanya or mas tamang sabihing hindi naman kasi talaga ako na-inlove sa kanya. Sikat na basketball player yun sa amin noon at bestfriend ng crush ko nung high school.
Tumagal din kami ng one year. Niligawan nya ako at dala na din siguro ng pressure ng mga classmates ko, sinagot ko sya. Para na din inisin yung isa kong nakakainis na classmate na alam kong patay na patay sa kanya. At sa inis na din sa crush kong nalaman kong may crush din sa'kin pero mas gustong dumikit sa iba at babaero pa.
Isang beses, nahuli ako ng uwian dahil sa sobrang dami ng tao sa store. Ako kasi ang panghuli palaging nagreremit ng cash dahil sa sobrang dami, matagal bilangin ng manager.
Inabot na ko ng pagpatay ng ilaw ng guard sa loob ng building at ang dilim dilim na sa loob. Pano ko uuwi non, eh yung bag ko nasa locker ko pa sa may canteen. I tried na buksan ang switch ng mga ilaw pero nakapatay na pala sa main switch na hindi ko naman alam kung paano.
So, kahit ginagapangan na ko ng kilabot sa isiping baka may mumu sa building na iyon, nilakasan ko na lang ang loob ko. Alam kong madilim pero pumikit pa rin ako. (Ang shunga lang. ) Pero yun lang kasi ang way ko para makapag concentrate at mabawasan na din ang takot.
Sinimulan kong humakbang papunta sa canteen habang nakapikit at nakaunat ang dalawang braso ko. Nangangapa kasi ako. Kabisado ko naman kasi ang pasikot-sikot doon. Pero habang tumatagal ay lumalakas ang kaba ko. Nagdadasal lang ako ng mejo malakas habang naglalakad. Gawain ko na yun dati pa nung bata ako kapag natatakot akong maglakad sa dilim. Ganon kasi dati sa probinsya namin nung wala pa kaming tv. Nakikinood ako sa bahay ng pinsan ko ng nakakatakot tapos aabutin ako ng brownout. Nakakatakot umuwi kasi sobrang ang dilim sa daan. Pero mas nakakatakot mapalo kaya uwi na lang. Buti na lang safe pa noon doon sa amin na kahit magpagala gala kami sa gabi ay walang masamang nangyari.
So, ayun nga. Nakuha ko na din sa wakas yung bag ko sa loob ng locker. Wala naman akong kakaibang naramdaman ng gabing iyon. Pero mali pala ako dahil ng mga sumunod na araw ay doon na nagsimula ang mga kakatwa at mejo nakakatakot na experience ko sa building na iyon.