"Kinakabahan ako!" Pinisil ni nanay ang kamay ko habang nasa biyahe kami papuntang altar. Niyakap ako muli ni nanay. "Lalayo kana saamin!" "Nay naman!" Pinalo ko siya ng hindi gaano kalalas sa likod. "Nanjan na naman yang mga biro mo eh." "Oo na. Mahal na mahal kita anak" "Opo nay!" Pinipigilan ko lang na hindi maiyak lalo na at may make up pa mukha ko. Baka hindi pa ako nakarating sa altar, ay haggard na ako. Mamaya ay uubusin ko ang luha sa mga mata ko. "Nay tama na nga,masira niyan ang make up ko eh!" Nag hiwalay kami saka patuloy lang kaming nagtatawanan. Hindi namin namalayan na nasa harapan na kami ng simbahan. Pero ang pinangako kong hindi ako iiyak ay bigla nalang tumulo ang luha ko. Ewan ko sobra sobra ang saya ko ngayon, iisipin ko palang na ikakasal na ako sa lalaking

