Agad na napadako ang tingin ko kay dolly. "Dolly, baby laro ka muna duon oh, may mga doll duon gaya mo na maganda." "Sige po ate!" Nasa may sala narin ang mga laruan duon kaya madali lang niya makita yun. "Ana!" Tumigas ang tinig ko. "Ang bunganga mo ingat ingatan mo nga ang lumalabas sa bibig mo!" "Nakapagtataka lang kasi ate, nuong kinuwento mo sakin ang about sa bata naku curious ako, kaya nang makita ko siya ay naniwala na ako!" "Oo na, tama na nga yan!" "Naka pagtataka, bakit kanukhang kamukha niya si kuya cholo..." "Ayst! Sapakin kita gusto mo?" Tumingin siya bigla saakin. "Char.. Joke lang naman ate. Ito naman di mabiro!" "Mabuti naman. Magluto ka na ng hapunan. Saan ba si nanay?" "Nasa palengke, gabi pa ata makaka uwi." "Sige na at pagabi narin, si dolly madali

