"Ano ba 'yang mukhang 'yan?" nagtatakang tanong ni Sussette nang mapadaan siya sa opisina ko. "Wala. May iniisip lang," nakangiti kong sabi pero hindi 'yon umaabot sa aking mga mata. Mabilis naman niya iyon napansin dahil kung meron mang higit na nakakakila sa akin ay isa na roon si Sussette. Halata rin naman talaga sa aking mukha ang tamlay at kahit ang aking boses. "Sigurado ka?" "Yeah. What are you doing here anyway?" pag-iiba ko sa usapan. "Are you serious? Really! You are asking me why I am here? Parang nakakapanibago ka naman, Aarya. Lagi naman akong pumapasyal sa opisina mo pero wala ka namang pakialam. Ba't parang may iba sa 'yo ngayon?" Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa at binalik ang tingin sa aking mukha. Pinaningkitan niya ako ng mata dahil alam niyang may napapansin

