chapter 27

1780 Words

"Everyone, go and freshen up. Mamaya lang, bubuhos na ang mga 'VIP' natin," pahayag ng head organizer isang oras bago ang inaasahan naming oras nang pagdadatingan ng mga guest. Ito na ang hudyat na kailangan na naming gumayak at maging presentable. Ang mga darating na bisita ay hindi lang basta mayayaman, sila ang mga taong ang suot na relo ay mas mahal pa sa bahay at lupa namin so kahit kaming mga staff ay dapat magmukhang bahagi ng prestihiyosong imahe ni Marco. Nang magsipagtayuan ang mga kasamahan ko ay sumunod na rin ako. Kanina ko pa dala ang garment bag na sisidlan nung isusuot ko mamaya kaya binitbit ko na rin ito patungo sa tinuturong staff lounge ng head namin kung saan kami pwedeng magbihis. Pagkapasok ng lounge ay maraming nang ibang mga staff iyong nauna sa'min ng mga kasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD