Nasa mansyon sila habang nagl-labor si Nadia. Tumawag rin si Enrico sa pinsan niya para humingi ng advice sa kalagayan ni Nadia. "Kapag may kakaibang vaginal discharge nang lumabas sa kanya dalhin niyo na siya rito sa hospital. Sa ngayon, maglakad-lakad muna siya o mas mas maigi sa kama kayong dalawa mag-exercise." Naroon si Janice at Liel umaalalay kay Nadia kung ano ang gagawin. Naka hawak naman si Enrico sa kanya upang doon kumuha ng lakas ang babae sa tuwing hihilab ang tiyan niya. Hinahaplos ni Enrico ang balakang ng babae at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ni Nadia and saying kung gaano niya ito ka mahal. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? " masuyong tanong ni Enrico. Kahit hindi maintindihan ni Nadia kung alin masakit sa katawan niya, nagawa niya pang irapan si Enrico.

