Unang gabi na sa kanyang silid matutulog ang kanyang pamangkin. Ito rin ang unang gabi na hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag o-overthink. Ang dami niyang what if. Naglagay pa siya ng bell sa likod ng pintuan para ma alarma siya kung mayroon mang papasok sa kanyang kwarto. Ngunit sa unang gabi, walang Enrico na sumilip doon. Naging kampante siya lalo na nang ibalita sa kanya ni Nenita na tuwing madaling araw na nakakauwi si Enrico at lasing pa ito. Kaya sa ikalawang gabi hindi siya nabahala na siya ay makatulog ng mahimbing. Ngunit naroon parin ang pag iingat kung sakali. Buong linggo na hindi nakita ni Enrico si Nadia. Pati ang kanyang anak na walang kamuwang-muwang ay nadamay dahil sa kagagawan niyang pag iwas dito. Paano ba naman kasi, hindi niya ito sinisilip sa silid ni Na

