"Thank you for letting me to experience this, Nad. " Tango lang ang sagot ni Nadia at na unang naglakad. Nang makita ang masayang kislap ng mga mata ni Enrico may mainit na humaplos sa puso ni Nadia. Iyong saya na kakaiba. Saya sa mga mata ni Enrico na ngayon lang nakita ni Nadia. "Akin na ang bag mo, ako na magdadala, " saad ni Enrico nang maabutan niya si Nadia. "Hindi na. Hindi 'to mabigat. " Kusa iyon kinuha ni Enrico sa kanyang balikat. "Yung sa kanya nga mas maliit pa sa bag mo ang dala pero kasama niya yung nagbitbit, " aniya tukoy sa babaeng buntis na nasa kanilang harapan. Masama ang tingin na binalingan siya ni Nadia. "Tumahimik ka, " pagbabanta nito. "Sige, subukan ko. Hindi ako sanay na tahimik lang kahit saglit. " 'Mali talaga na nag-suggest akong sumama siya, "himu

