MITCH
"Ha? Bakit naman para kang nakakita ng multo jan Mitch? I decided na dito na ako mag di dinner. Ang boring kayang mag isa sa bahay so kailangan mo ng makakasama."
Nako! Abot langit ang kaba ko sa mga sandaling ito. Hindi pwedeng mag stay rito si Chelsey dahil malalaman niya na nakatira rito ang professor naming kinahuhumalingan niya. I don't know kung pauwi na si sir Ivan pero para mas safe, kailangan ko munang itaboy si Chelsey.
"Ahh ehhh... magulo kas ang loob ng apartment namin."
"Ano ka ba? Okay lang naman 'yun kasi ganyan din naman sa bahay namin. Kung gusto mo magligpit tayong dalawa pagkatapos."
Bago pa man siya tuluyang pumasok sa loob, lumabas na ako at isinara ko ang pinto.
"Eh... ganito na lang... bakit hindi na lang tayo mag dinner sa labas? Tutal may alam akong malapit na restaurant dito. And since hinatid sundo mo ako sa school, treat ko na ito para sa ating dalawa."
Gumuhit ang bakas ng pagtataka sa noo ni Chelsey.
"Ahha... siguro may tinatago kang lalaki sa loob no?"
"Ha? Wala naman... sa susunod ka na lang pumasok please."
"Sige na nga... ikaw ha naglilihim ka na sa akin Sis. Akala ko ba mag bestfriend tayong dalawa?"
I gave her a wide smile, "Wag ka nang malungkot jan. Wala akong tinatago sayo pramis."
"Oh siya, sige na nga, pero next time ha? Pwede kitang dalawin dito sa apartment mo."
------------------------
------------------------
IVAN POV
Pauwi na ako sa apartment dala ang dalawang bote ng beer. Medyo stress lang din ako dahil sa dami ng mga ginawa ko sa school kaya 8 pm na ako nakauwi. Isabay pa jan ang mga students na sobrang nagpapasaway sa klase. Isang oras ang nakalipas, nakarating na ako sa apartment.
Mabuti na lamang at may duplicate key ako dahil naka lock ang pintuan, siguro may pinuntahan siya kaya wala pa rin siya ngayon, sinasamantala na wala ang papa niya para makagala. Pagpasok ko sa loob, nagpalit muna ako ng damit. Sinadya ko ring buksan ang zipper ng pantalon ko para dito ulit tumingin si Mitch. Mas maganda na ngayon pa lang ay dapat saktan ko na siya para mas madaming karma ang dumating sa kanya.
At habang wala siya rito sa apartment, wala siyang ka idea idea sa mga nangyayari sa aming dalawa ni Michelle.
Pag labas ko sa balcony, nandoon pa rin ang mga kalat mula sa inuman naming dalawa ni Romualdo. Sabagay, parehas naman kaming nagmadali sa kanya kanya naming mga trabaho kaya hindi na namin naisip ang magligpit sa labas.
Tinabi ko lang ang mga boteng pinag inuman naming dalawa at pagkatapos ay uminom na akong mag isa. Habang naiinip ako, binuksan ko ang laptop ko at nanood akong mag isa ng porn like what I am doing when I am alone. Tamang earphones na rin para walang makarinig ng mga ungol.
Napahimas akong bigla sa alaga ko hanggang sa marinig kong malakas na nagbukas ang pintuan. Kaagad kong tinaob ang laptop ko at pumunta sa loob. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Michelle, para bang lasing ito.
"Sir," ngumiti siya at dahan dahang naglakad kahit na pagewang gewang ito.
Nag alala ako sa kanya kaya lumapit ako para alalayan siya. Naamoy ko ang alak na sumapi sa katawan niya. Mga kabataan talaga ngayon, very common na ang mga ganitong scenario.
"Teka bakit ka uminom Mitch? Di ba may pasok ka pa bukas? Sino ang mga tropa mo at pagsasabihan ko sa school bukas."
Tumingin siya sa akin at para bang iiyak na it, "Sir naman... pag nag inom ba kaming mga kabataan walwal agad? Hindi ba pwedeng may pinag dadaanan lang? At tsaka wala naman po akong masyadong tropa. Si Chelsey po ang kasama ko kanina. Niyaya niya akong uminom kasi pinahiya niyo siya sa klase at di siya maka move on. Nako sayang sir crush ka pa naman niya."
Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil tila ay nadulas ito sa kanyang sinabi. Napangisi na lang ako at na realize ko na kaya pala iba ang tingin sa akin ni Chelsey kanina ay dahil nagpapapansin ito sa akin.
"Sir... sorry po," sambit niya na para bang nawala ang kalasingan nito.
"Ano ka ba? Okay lang naman sa akin, I guess karamihan talaga ng mga estudyante ngayon sa school ay nagkakagusto sa akin. Minsan nga may nahuli pa akong student na kinukuhaan ako ng litrato at marami din akong stalker online."
"Sige sir... pero kasi magagalit po si Chelsey sa akin kapag nalaman niyang sinabi ko sa inyo ang tungkol rito. And sana wag din po kayong magsusumbong kay Dad na napainom ako kasi problemado din ako."
"Sakto umiinom din ako, kung gusto mo pwede kang mag share ng problema mo sa akin. Makikinig naman ako, pero hindi ka na pwedeng uminom dahil may pasok ka pa bukas."
"Salamat sir, but kumain na po ba kayo?"
"Yes, but can you walk on your own?"
Sumandal na lang sa akin si Mitch kaya ginabayan ko siya palabas ng balcony. Masarap damayan ang taong mahina, lalo na't marami din akong gustong tanungin sa kanya.
Pag upo namin, nagsimula na siyang magsalita.
"Prof... sobrang sorry nga pala..."
"Sorry saan?"
"Nagpanggap ako na gusto ko ang course na kinuha ko but in reality gusto ko lang naman kumuha ng course na education. Nag iisang anak lang ako ni Mom and Dad kaya wala akong ibang choice kung di sumunod sa yapak nila. At bukod doon, mayroon pang isang inilihim sa akin si Dad na sobrang sakit."
Bagamat alam ko na ang susunod na sasabihin sa akin ni Mitch, ayaw ko siyang panguhanan.
"At ano naman 'yon?"
"May kahati na po si Dad sa hospital namin at ang masakit pa, ka kompetensya ko pa si Chelsey eh matalik ko siyang kaibigan and I never thought of competing with her."
"What do you mean competition mo siya?" tanong ko.
"Eh siyempre sinabi niya sa akin na malaking factor daw ang grades niya para sundan ang yapak ng parents niya and Dad just called me at sinabi na kailangan ko raw mahigitan si Chelsey para mas mataas ang posisyon ko sa company namin."