17-MALIKMATA

1028 Words
MICHELLE POV Napalingok akong bigla sa pinto dahil parang nakita ko si Chelsey na lumabas. "Bakit Michelle? Para kang nakakita ng multo?" "Si Chelsey, parang nakita ko siyang lumabas," sagot ko habang sinusundan ko ang babae na unti unting naglaho sa aking paningin. Lumingon si Sir Ivan sa tinitingnan ko, "Ha? Parang wala naman ah? Baka guni guni mo lang 'yan." Hindi ako pwedeng linlangin ng mga mata ko. Alam na alam ko ang postura ni Chelsey kahit na nakatalikod pa siya. Sumunod ba siya sa akin? Nakita ba niya kaming magkasama ni Sir Ivan? "Don't worry about that. Sa tingin ko, nilinlang ka lang ng mga mata mo. Kung nandito siya, sure naman ako na lalapit siya sayo at sasaluhan niya tayo." Sabagay, may point naman ang sinabi ni Sir Ivan sa akin, pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa school ni Sir Ivan. Habang pabalik kami ng school, muli niya akong kinausap. "Nag enjoy ka ba sa kinain natin?" "Yes Sir, thank you ulit sa treat ninyo. Next time ako naman ang taya." "Hindi okay lang 'yan. Gastusin mo na lang ang pera mo sa school, matagal pa naman ang next month." "Ha? May extra pa naman po akong pera sir." "Sorry Michelle, pero hindi talaga ako nagpapalibre sa babae. Ma pride kasi akong tao at gusto kong tinuturing na parang prinsesa ang mga babae." Namutla ang pisngi ko at pumalakpak ang tainga ko sa sinabi ni Sir Ivan. "Eh bakit po ba kasi hindi pa kayo mag asawa po? Real talk lang tayo ha, pero gwapo kayo, matalino, mabait, at mayroon naman akong marangal na trabaho. Sa dami ng magagandang babae na nahuhumaling sa inyo, siguro naman mayroon na kayong natitipuhan?" "Pass muna talaga ako sa ganyang bagay Michelle. Sa totoo lang, wala pa rin talaga akong gaanong ipon sa ngayon. And focus lang ako sa work, sa sobrang busy ko nga, parang sa office at apartment lang gumagalaw ang mundo ko." "Sige Sir, pero pag naghahanap ka po, mag sabi ka lang sa akin kasi may kakilala ako." "Si Chelsey ba ang irerekomenda mo sa akin?" nakangisi niyang tanong. "Opo sana sir, sobrang crush kasi kayo ni Chelsey eh. Patay na patay kasi talaga siya sa inyo eh." Natawa lang si Sir sa sinabi ko. "Bakit Sir? Ayaw niyo ba sa kanya? Alam mo Sir, sobrang matalinong babae si Chelsey, maganda, masipag, at higit sa lahat mayroong pangarap sa buhay." "Seryoso ka ba? Masyadong bata si Chelsey para sa akin. Halos 10 years ang pagitan naming dalawa. Hindi ko rin gusto makipag syota sa babaeng nagkakagusto sa akin, mas maganda kung ibang lalaki na lang ang magiging boyfriend niya. Yung kasing edaran din niya." "Ahh sige Sir Ivan, ganito na lang po, sabihin ninyo sa akin ang quality or characteristics ng babaeng nagugustuhan ninyo and I will try my best para mag recommend." "Pwede rin, pero isa lang naman ang gusto ko sa isang babae, yung seryosong karelasyon at pang matagalan." Gusto ko sanang i volunteer ang sarili ko dahil seseryosohin ko rin si sir Ivan pero kailangan kong irespeto ang pagkakaibigan naming dalawa ni Chelsey. Saktong 1 pm ng makarating ako sa school, tumabi ako kay Chelsey subalit hindi naman niya ako kinibo. It seems nasa bad mood pa rin siya at abala sa pagbabasa niya ng libro. Wala pa rin si Sir Ivan sa klase namin, so habang naghihintay ako, I took my book to kill time. "Mukhang nag enjoy ka ha?" pag basag ni Chelsey sa katahimikan niya. Lumingon ako sa kanya and I smiled at her, "Oo nag enjoy naman ako kahit papaano." "I see, may kasama ka bang kumain kanina?" seryoso niyang tanong. "Ahhh ehhhh..." hindi ako ready na sagutin ang tanong niya pero mabuti na lang at kusa nang lumabas ang mga salita sa bibig ko, "Ako lang mag-isa ang kumain kanina sa restaurant. Masarap ang pagkain pero walang masyadong tao. Sana next time, sumama ka na sa akin para naman matikman mo rin ang pagkain nila." "No thanks, nachi cheap-an na ako sa mga bagong bukas na restaurant. Let me guess, mayroon bang silang ahas sa mga pagkain nila?" Parang gusto kong maduwal sa narinig ko sa bibig ni Chelsey, "Ha? Anong ahas? Bakit naman maghahain ng ahas ang restaurant na kinainan ko?" "Who knows? Anyway, hindi muna pala ako makakapasok bukas sa klase." "At bakit naman?" "Personal problem lang. I just need time to relax and unwind. Medyo stress lang din ako." I slightly grinned, "I am so sorry for what happened. Kung may maitutulong lang ako say-" "Don't feel so sorry for me. Use that opportunity para ikaw naman ang mag shine sa klase," pag i interrupt niya sa akin. Napabuntong hininga pa siya ng malalim bago muling nagsalita, "Well, my Mom wanted me to go to the hospital and she wanted me to meet the new shareholders. And para naman hindi ka nahuhuli sa balita, mas marami na palang shares ang papa ko sa hospital so it's more likely na baka bumaba na ang papa mo bilang president ng hospital." The smirk on her face, para bang natutuwa pa siya sa nangyari. What she just said make me broke, nakalimutan ko kaagad ang masasarap na pagkain kanina sa restaurant. "Okay class sorry I am late, may short meeting lang kami kanina sa faculty." Natigil ang pag uusap namin ni Chelsey sa biglaang pagdating ni Sir Ivan. And as he was discussing, diretso lang ang tingin ni Chelsey sa blackboard. Para ba siyang lutang sa mga nangyayari at malalim ang iniisip niya. "Stand up Michelle," pag uutos sa akin ni Sir Ivan, kaagad naman akong tumayo at napatingin sa kanya. "Yes Sir?" "This is your chance, can you give me at least two parts of male organ and their functions." Sisiw na sisiw ang tanong ni Sir Ivan sa akin at mabuti na lang at kabisadong kabisado ko pa rin ito. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Chelsey. "Sir, can you ask another question instead? Sorry sa tingin ko ay mas maganda kung magtatanong kayo ng iba kay Michelle." I gave her a side look, bakit parang nilaglag ako bigla ng kaibigan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD