IVAN POV
"Bakit pare? Anong ibig mong sabihin?" curious na tanong ko sa kanya, I really wanted to know
Napa buntong hininga si Romualdo at sa para bang mayroon itong gustong sabihin subalit nag ho holdback siya. Tinapik ko siya sa balikat.
"Pare, wag kang mag alala, maasahan mo ako pag dating sa mga sikreto. Hindi naman ako madaldal na tao eh."
"Nalulugi na kasi ang hospital namin kaya wala na akong ibang choice kung di ibenta ang majority ng shares ko. And kung hindi ko aagapan, baka hindi na ako ang maging president. Kaya ginagawa ko ang makakaya ko para maisalba ang shares na natitira ko. Mahigpit na bilin ng asawa ko na kailangan itong manahin ng magiging anak namin."
Lugmok na lugmok sa kalungkutan ang mukha ni Romualdo. Para nga itong pinag sakluban ng langit at lupa dahil sa pinag dadaanan niya. Ngunit imbes na kaawan ko siya, natutuwa pa ako sa nangyayari sa kanya. Pagkatapos ng ginawa niyang pagtakip sa kaso ng girlfriend ko, kulang pa ang mga pagdurusang pinag daanan niya.
"Nalulugi rin pala ang hospital?" tanong ko.
"Oo naman! Karamihan sa mga pasyente ngayon, online na ang gustong check up at kung may murang test sa labas, usually doon nila yon ginagawa. Pero don't worry, this is something that my company can handle. Wala namang pag subok na hindi nalalapagsan."
"Pero maiba ako pare," sambit ko, ready na akong i open sa kanya ang matagal ko nang hinaing, "Hindi ba't nasunog na dati ang De Carpio hospital at maraming mga pasyente ang nasawi? So nag relocate na lamang kayo ng hospital ninyo dito na Metro Manila?"
"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" mabilis niyang tanong.
"Pare naman, may tv naman noong araw at radio. Naka tira din kami dati sa batangas kaya alam ko ang tungkol sa balitang 'yan."
"Totoo nga ang nabalitaan mo, pero I guarantee you na walang nasawi kahit na isang pasyente sa nangyaring sunog. Nailabas namin lahat ng mga patients bago pa tuluyang kainin nang apoy ang hospital."
"I see... but I think there is something about it na pwede mo pang sabihin sa akin?"
"Ivan, I already moved on from that incident. At binaon ko na rin sa limot ang lahat, kaya kung mamarapatin mo sana, I don't want to discuss about this any further. By the way, bakit ka concern about something which happened two decades ago?"
Napangisi ako, "Nothing, sobrang na curious lang ako."
"Ahh. Wag kang mag alala pare, hospital kami at nasisiguro namin na top priority namin ang mga pasyente namin."
------------------------------
------------------------------
MITCH POV
Tomorrow morning, 6 am ay nagising na ako. Pag labas ko ay wala na si Dad sa kwarto niya. At sa kusina, nakita ko naman si sir Ivan na lumabas. Nakatapis lamang ng twalya ang pang ibaba niyang katawan at bakat na bakat ang bukol sa pagitan ng mga hita niya. Napa lunok na lang ako sa nakita ko.
"Good morning Michelle," nakangiting sabi ni Prof.
"G-good morning din po," masiglang sabi ko sa kanya.
"Siya nga pala, maaga umalis ang dad mo kanina kaya hindi na siya nakapag sabi sayo. Makikipag video call na lang daw siya."
"Ah ganun po ba?"
Sheems! Ang gwapo talaga ni Professor Ivan lalo na't sobra akong naaakit sa kanyang mga mata. And the fact na dalawa na lang kami rito sa apartment, it makes the situation even worse.
"Professor mo siya girl, itigil mo ang pagpapakilig mo sa sarili mo," sambit ko sa sarili ko.
"Prof, kumain na po ba kayo?"
"Oo," mabilis niyang sagot, "Aalis kasi ako ng maaga ngayon. Medyo marami lang akong mga gagawin sa school. Pero may breakfast namang iniwan ang papa mo sa kusina."
"Sige po Prof, pero pwede ba ako makahingi ng kaunting favor?"
"Sure ano yun?" lumapit siya sa akin at lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.
"Baka pwede po na walang makaalam na naninirahan kayo sa apartment namin ni Dad? Eh kasi nakakahiya naman sa school kung malalaman nila ang tungkol rito di ba?"
Habang sinasabi ko ito, iniisip ko si Chelsey dahil sure ako na mai insecure siya na nakatira ang crush niyang professor sa apartment namin.
Biglang hinawakan ni Sir Ivan ang pisngi ko, "Wag kang mag alala, hindi naman ako madaldal na tao. Sige, mag bibihis na ako Michelle, ikaw na ang bahala rito."
I don't know pero something really turned me on kay Sir Ivan. Bukod na nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki, ang bait bait niya pang tao. Feeling ko ay magkakasundo kaming dalawa.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa kanyang kwarto, bubuksan pa lang niya ang pinto subalit muli itong nagsalita sa akin.
"Siya nga pala Michelle, may boyfriend ka na ba?"
"Po?" nagulat ako sa tanong ni Sir. "Eh wala pa po, hindi ako allowed ni Dad na magkaroon ng boyfriend not unless maka graduate po ako."
"Good... sundin mo lang ang papa mo. Alam ko na malayo ang mararating mo."
"Salamat po sa word of encouragement. Pero prof, narinig niyo po ba ang pinag awayan namin ni Dad kahapon?"
Lumingon siya sa akin, "Yes, pero kung hindi mo gusto ang course mo, just give it a try. Malay mo nakatadhana kang maging successful doctor pagdating ng araw kagaya ng mama mo."
"Sir, sa totoo lang, hindi naman po ako kagalingan sa science kagaya ng parents ko."
"Kaya mo 'yan Michelle, I know it's hard at first pero sipag lang naman ang katapat niyan eh. And besides, hindi naman ako mahigpit sa klase. Just raise your hands kung mayroon kang hindi naiintindihan sa klase ko."
Muling bumalik sa kwarto si Sir Ivan, samantalang ako nag hilamos at kumain na. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na nandito ang gwapo kong professor. Ano kayang sasabihin sa akin ni Chelsey kung sakaling malaman niya ang tungkol rito.
Ilang minuto ang nakalipas, lumabas si Sir Ivan at napatingin ako kaagad sa pantalon niya dahil bukas ito.
"Bakit Michelle?"
"Bu-bukas po ang pantalon niyo sir, sorry po."
Napatingin siya sa pantalon niya, "Sorry... buti na lang sinabi mo."
"May girlfriend ka na ba sir?" lakas loob kong tanong sabay takip sa bibig ko.