"KAMUSTA SIYA?" bungad na tanong ni Chari kay Trevor pagdating niya ng hospital na pinagdalhan ng binata kay Roxanne. Matapos itong mawalan ng malay tao sa unit ni Charie na pagmamay-ari niya. "Nagkamalay na ba siya? Nakakain na ba?" sunod-sunod nitong sa kaniya, nang ibaba nito ang ilang gamit na dala para kay Roxanne. Si Charie kasi ang nagawa niyang tawagan nagdaang gabi. Wala na siyang kilala kahit sinong may kaugnayan kay Roxanne, maliban kay Charie. Hindi niya naman pweding tawagan si Hugo at Scout. Pagagalitan lang siya ng mga ito, pag nalaman ang ginawa niya kay Roxanne. Kung ito ngang si Charie galit na galit sa kaniya, ano pa kaya ang dalawang kapatid niya. "The doctor said she is okay, " maiksing sagot ni Trevor dito. Nagkibit balikat si Charie binaling ang tingin sa kaibi

