CHAPTER 41 NAKARATING si Roxanne at Trevor sa isang gotohan na ayon kay Trevor, madalas daw tambayan nito pag nandoon ito sa lugar na iyon. Walang duda at masarap nga naman ang pagkain d'on; tokwa't baboy at isang malaking mangkok ng goto ang in-order ni Trevor para sa kaniya. "How is it?" tanong nito sa kaniya. "Good. Naniniwala naman ako sa taste mo. "Kung ikaw ang masusunod babalik ka pa ba dito?" "Hindi ko alam. Siguro. Minsan balak kong yayain si Charie dito, tingin ko mag-e-enjoy kaming dalawa." "Sa pagkakakilala ko kay Charie. I think yes, like you simple lang naman si Charie." "Feeling ko nga. Pwedi ka naman siguro maging driver 'diba?" "Oo naman. Ikagagalak kong ipagmaneho kayo, Roxie." Tumawa si Roxanne sa naging tugon sa kaniya ni Trevor. Hindi naman talaga siya magpa

