C H A P T E R 62 -- ILANG oras na ring nag-iisa si Summer sa labas, hindi siya halos mapakali nang mabalitaang bumalik na si Roxanne sa Baguio at ayon kay Brandon hinahanap sila nito. Hindi niya alam kung kamusta na ang plano nitong pinangako sa kaniya. "Summer, anak." Napalingon si Summer sa boses ng mama niya sa likuran niya. Naglakad ito patabi sa kaniya, nandoon ang lungkot sa mga mata at alam niya ang dahilan n'on. "Kailan ba tayo babalik ng Baguio?" Wala siyang makuhang sagot sa tanong nito, dahil kung siya lang ang masusunod ayaw niya na sanang bumalik sa lugar na 'yon. Hindi dahil sa ayaw niya nang makita pa si Roxanne. May masasamang nakaraan para sa kaniya ang lugar na 'yon at alam niyang hahanapin siya ni Trevor. "Gusto ko ng makita si Roxanne, Anak. Baka bumal

