C H A P T E R 6 0 NAGISING si Trevor na sobrang sakit ng ulo. Inikot niya ang mga sa paligid, naalala niya kung nasaan siya hindi niya pweding makalimutan kung ano'ng nangyari. Hinanap ng mga mata niya si Roxanne. Wala ito---sarado ang pinto ng silid na kung saan man siya ngayon at hindi niya kinagulat kung bakit wala siyang saplot sa katawan. May nangyari sa kanila ni Roxanne, nandoon din ang bahid ng pulang mantsa sa bed sheet ng dalaga, tanda ito ng kalinisan na pinagkatiwala sa kaniya ni Roxanne. Napahawak siya sa sarili niyang sentido. Hindi niya akalaing ganoon kadali ang sandaling may mangyari sa kanilang dalawa; wala sa plano niya, hindi niya ginusto ang lahat at hindi niya inaasahan. Hindi alam ni Trevor kung ano'ng mukha ang ihaharap kay Roxanne pagkatapos ng lahat. Pe

