CHAPTER 32 TAHIMIK ang opisina nang dumating si Roxanne. Walang kahit na ano'ng salita siyang naririnig mula ng pumasok siya sa loob. Napansin niya agad na wala pa si Trevor, sarado kasi ang opisinang inookopahan nilang dalawa. Napabuntong-hininga siya at binaling ang tingin kay Hugo at Charie. "Goodmorning--" bati niya sa mga ito. Liningon naman siya ng dalawa at ngumiti sa kaniya. "Good morning, Roxie. Akala ko hindi ka makakapasok ngayon, mabuti at nakahabol ka." Iyon nga rin ang akala niya, pinilit niya lang talaga ang sariling pumasok. Besides marami siyang kailangan gawin. Sabi nga niya hindi si Trevor ang makakasira ng trabahong inaalagaan niya. "Wala naman akong gagawin sa bahay, kaya nagpasya na lamang akong pumasok," sabi niya sa mga ito. Nilapag niya ang bag niya sa mesa n

