CHAPTER 56 NAKARATING na sila sa condo, tama nga ang estima ni Trevor at wala naman gaano traffic sa kahabaan ng edsa. Siguro nagsi-uwian na ang mga byahero. Wala sa sariling napahikab siya. "GUSTO mo bang umakyat muna?" tanong ni Roxanne kay Trevor. Nang huminto ang sasakyan nito sa harap. Pareho naman silang nasa loob pa ng sasakyan at wala man lang nagtatangkang unang lumabas sa kanilang dalawa. Hindi niya naman hinihintay na pagbuksan siya ni Trevor. All of the sudden 'yon na lamang ang pag nais niyang manatili muna sa tabi nito, mabigat ang loob niyang umalis sa tabi nito, pero iyon ang kailangan tulad nga ng sabi niya kanina--- siya ang lalayo kung kinakailangan. Kaya niya naman sana lumabas mag-isa, andoon lang ang isiping baka may sabihin pa sa kaniya si Trevor. Pe

