CHAPTER 26 NAUNA nang umuwi si Lucy, Hugo, Chacha at Charie tulad nga ng sabi ni Trevor sa mga ito nagpaiwan sila sa loob ng restaurant. Wala pa naman kasi ang oras ng alis nila, dalawang oras nga naman dapat silang nandoon. Hindi na rin nila nakuhang kumain pa. Kaniya-kaniyang cellphone lang naman ang inatupag nilang dalawa. Manaka-naka niyang sinusulyapan si Trevor abala ito sa i********: nito. Ayaw niya naman itong abalahin at baka may mahahalagang bagay itong tinitingnan. "Kakain ka pa?" tanong sa kaniya ni Trevor. Iling lang ang siyang tinugon niya dito. Wala na rin kasi siyang halos ginawa kundi kumain. Napansin niya ring halos carbohydrates na ang nakain niya. Busog naman siya kung tutuusin. "Pass na, solve na ako," sagot niya dito. Tiningnan siya nitong naninigurado kung tal

