C H A P T E R 69 TAHIMIK lang si Trevor na naka-abang sa harap ng palengke kung saan siya nanggaling kahapon. Hindi niya alam kung bakit siya nandoon. Malakas din ang loob niyang may makukuha siyang impormasyon mula kay Roxanne sa lugar na iyon. Napabsin niya ang sang tindera na kahapon lang nagtanong sa kaniya. Bibo pa rin ito sa ilang bumibili, kung siya lang ang tatanungin sayang ito--- may potensyal ang bata. May panahon pa para malinang ang kakayahan nito pagdating sa pagbebenta sa mas magandang opurtunidad. Hinvi bali, aniya. Pag nagawa niya na ang pakay niya sa lugar na iyon--- gagawa siya ng paraan para matulungan ito. Tumayo si Trevor para puntahan ito, baka sakaling may alam ito sa paaralan na binanggit sa kaniya noon ni Roxanne ang Malinang--- high school ito base na rin

