Chapter One: Part 5

265 Words
"May pumunit sa listahan, narinig ko. Nakita mo ba ang sa'yo?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina. Tumango lang ako at napabuntong hininga. "Nasa asul ang pangalan ko. Pang-dalawampu't apat." Hindi siya agad na nakaimik at naging tahimik ang sumunod na mga segundo. Tiningnan kong muli ang mukha ng kinalala kong ina. Hindi ko alam kung ano ang ekspresyon na makikita sa mukha niya. Napabuga nalang ako ng hangin. I thought so. Pero agad ding napalitan ang ekspresyon ng mukha niya ng galak at saya. "Isang magandang opurtunidad kung ganoon! Magiging maganda ang kinabukasan mo pag pinag-igihan mo iyan!" "Pero Nana..." Alam kong sa kabila ng ipinapakita niya ay alam niyang malaking risko ito sa buhay ko. Sa amin. At alam niyang ayaw ko nito. "I'm no one. Taga Sylvanus ako. Ang bayan na kung saan walang mamamayang nakakapasok sa palaro. Wala akong laban sa mga elite na katulad nila. Mas mabuti kung umatras ako sa ranggo at ibigay sa nasa ika-dalawampu't limang pangalan ang ranggo ko." Tahimik na umupo na lamang si Nana sa nag-iisang kahoy na upuan sa bahay namin. Alam niyang tama ako. Dahil sa nakalipas na mga taon ay mga elite lang at iilang middle class ang napapabilang sa dalawampu't apat na pangalang nakasulat sa asul na tinta. Hindi ko alam kung paano ako napasok sa prestihiyosong asul na listahan. Ang gusto ko lang ay maging mahusay at marunong sa paligid para sa kapakanan ko at ni Nana. Para sa seguridad namin at para sa mas may malaking sahod na trabaho. Ngunit hindi ko hinangad na mapabilang sa kanila. Sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD