“Ahhhhhhhhhhh!!!” isang umalingawngaw na sigaw ni Judge Cruz ang yumanig sa mga concrete walls ng construction site na ito. “Tulooooooooong! Tulong! Tulungan niyo ako!!!” paulit-ulit niyang sigaw nang marealize na nakasabit siya ngayon sa labas nitong ika-labing walong palapag na ginagawa pa lang na gusali. “Gising ka na pala, Judge! Enjoying the view?” tanong ko sa kanya gamit ang isang megaphone. Nandito ako nakatayo sa rooftop ng building kung saan ang simula ng rope na nakatali sa katawan harness na naka-kapit sa katawan niya. Ang mga taling nagsisilbing lifeline ng buhay niya ngayon. “Sin—sino ka? Tulungan mo ako! Alisin mo ako dito!” utos niya sa akin. Kung sakaling isa akong natural na taong nakakita sa kanya dito, imbis na tulungan ko siya, ay padadaliin ko na ang paghihirap ni

