Kenraz Gianni Balsamonte
Marahan kong iminulat ang aking mga mata na ngayon ay natatamaan ng pang-umagang sikat ng araw. Ramdam ko ang pagkirot ng aking ulo, naparami kasi ang ininom.ko kagbi, inabot din kami ng madaling araw sa Night Light. Pinagalaw ko ang aking kanang kamay at kinapa kapa ang aking higaan, searching for my phone. Nang bahagyang makadilat ay sinulyapan ko ang alarm clock sa aking bed side table. It's six forty three in the morning, pero tila napakataas na ng sikat ng araw. Naramdaman ko ang panginginig ng aking cellphone kaya agad iyong dinampot ng aking mga kamay, at hirap ang mga matang inaninag iyon.
Jenny is calling, I slide its screen to answer at halos mailayo ko iyon sa aking tainga dahil sa bungad na pagsigaw nito sa akin.
"Where the hell are you Kenji?!!" bulyaw nito. At tila may kung anong napigtas na pisi sa utak ko, agad na kumulo ang dugo ko sa paraan ng pakikipag-usap nya sa akin, ngunit pinilit ko paring kumalma.
"Did you check your f*****g phone? I've been calling you hundred times for God sake!!", patuloy nito and her words really test my patience.
"Watch your mouth Jenny!!", madiin kong saad ngunit sinigurado kong mararamdaman nya ang pagbabanta doon. Silence filled my sense of hearing, then she deeply sighed.
"I'm sorry. I'm just worried, love. Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa'yo.", ngayon ay mahinahon na ang kanyang tinig at bumalik na ang lambing doon. I hardly close my eyes, at bahagyang pinindot pindot ang aking sintido. Minsan napapaisip ako, her attitude sucks so why did I love this girl? Nang itaas ko ang aking kamay upang sapuhin ang sumasakit kong ulo ay halos namuti iyon dahil nasinagan ng araw. All of a sudden ay biglang pumasok sa isip ko ang babaeng iyon, her glowing skin really captured me. And also her smile, yung malalim nyang dimple, at ang mapuputi nyang mga ngipin. Her voice also lingers in my ears, kung gaano kahinahon ang tinig nyang iyon nang mag-sorry sya sa akin nung unang pagkikita namin. Para bang nakabisado ko na ang lahat sa kanya sa loob ng dalawang beses na pagkakakita ko pa lang sa kanya.
"Babe please talk to me. I'm sorry na nga eh.", boses ng nobya ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Somehow nakonsensya ako, kausap ko ang girlfriend ko pero ibang babae ang nasa isip ko.
"I'm sorry.", it's an apology not for being pissed on her but by thinking other girl. It's a guilty feeling I guess.
"Arthur and I did some catching up, we haven't seen each other for a long time and you know he's my best friend, right?", pilit kong pinalalambing ang aking tinig. It's just not me, hindi ako sweet na lalaki, I hate public display of affection but I respect her kaya hinahayan ko nalang sya sa tuwing nagiging bulgar sya sa paglalambing sa akin, it's her love language.
"And you know I hate that friend of yours.", muli syang nagtaray. Yeah, for some reason ay ayaw nya talaga kay Arthur, well same as my friend din naman. Ayaw nya din kay Jenny but he respects my decision. Nagkita na sila before pero grabeng pagtataray at pagkaprangka ang ginawa ni Jenny kaya naman hindi ko na inulit na paglapitin pa silang muli.
"Best friend ko sya Jenny, since we're eight. Hindi porke't ayaw mo sa kanya ay tatapusin ko na din ang pagkakaibigan namin.", Hindi ko maiwasan na ilabas ang kaunting iritasyon sa boses ko.
"What if you have to choose between us?", dirediretsong tanong nito na lalo ko lang ikinainis. Paano ko ba sya natagalan ng limang taon? Sa ugali naming dalawa, paano tumagal nang ganon ang aming relasyon?
"Don't hurt yourself, Jenny.", maiksing tugon ko, na marahil ay ikinabigla nya or naoffend sya dahil wala na syang imik pa.
"I HATE YOU!!", pagkasabi non ay nawala na sya na kabilang linya.
Lalo lang sumakit ang ulo ko, ang taong dapat na magiging pahinga ko ang syang nagiging kapaguran ko.
I sighed heavily at nagpasya nang bumangon. Hahayaan ko na muna sya, baka lalo lang kaming sumabog kung sasabayan ko ang init ng ulo nya. Una kong tinungo ang banyo at nagshower para naman kahit papano ay mabawasan ang sakit ng ulo ko.
I went under the shower hinarap ang two way na salaming dingding ng aking banyo. Kita ko ang labas mula dito, nakatukod ang dalawa kong kamay sa glass wall habang umaagos sa aking katawan ang tubig mula sa shower head. I look up and closed my eyes at ninamnam ang katamtamang lamig at init ng tubig, suddenly I remember her again. Ibinaba ko ang aking mukha at hinilamos doon ang aking kanang palad.
"f**k! Why does she keeps popping in my mind?!", inis kong saad sa aking sarili.
"You're so f*****g beautiful.", muli kong bulong habang patuloy na tumatakbo sa isip ko ang kanyang presensya. Napatiim bagang na lamang ako nang maalala kung gaano kalapit si Arthur sa kanya, idagdag pa ang kaalaman na she's married. Why do I feel like a loser?
"It's better not to see you again, gorgeous.", I smiled bitterly nang bitiwan ang mga salitang iyon. Ipinagpatuloy ko ang paliligo at pilit na inalis ang lahat ng aking isipin.
It's almost eight nang makababa ako at dumiretso na sa dining, at doon ko naabutan ang aking mga magulang na nag-aagahan.
"Morning.", maiksing bati ko, binigyan ko ng masuyong halik sa tuktok ang aking ina.
"Hey Dad.",
"Morning hijo.", sabay nilang bati pabalik. I hurried to Louise na nakaharap sa hapag and kisses her temple too, pero pagse-cellphone lamang ang inatupag.
"Morning kuya.", she greeted without even looking at me.
"Ano na namang drama ng jowa mo?" bungad nya sa akin. Her brows in one line, and irritation is so obvious, just like Arthur, she seem to unlike my girlfriend.
Halos kami lang tatlo nina Mommy at Daddy ang may gusto kay Jenny. Dumampot lamang ako ng isang french toast at nilagyan ng scrambled egg ang ibabaw nuon bago isinubo nang buo.
"She keeps on calling me kagabi, she said you're avoiding her.", inis nyang wika. Siguro ay naiistorbo sya, ganon kasi si Jenny kapag hindi ako nakakausap, halos lahat ng tao ay bulabugin na nya maliban na lang kay Arthur.
"Why hijo? Did you fight?", mom worriedly asked. I shook my head as an assurance and smile a bit.
"Nah, nagtatampo lang sya. Pupuntahan ko sya mamaya.", paninigurado ko.
"Sounds good. You know Jenny is for keep, Kenji. Wala ka nang makitang kagaya nya, she's unique and we like her for you.", mahabang pahayag ni Dad habang ako'y dinampot ang tasa ng kape at humigop doon.
"Tss. As if, yeah her and her attitude is so unique. At--",
"Louise!!!! Shut up!", madiin at medyo mataas ang boses ni Mommy. I alternately look at them dahil hindi ko naman nakuha ang nais sabihin ni Louise.
"Just pray na hindi ko sya makita Mom.", mataray na sagot ni Louise kay Mommy and she even rolled her eyes. She got up at nag umpisang maglakad palayo. I don't really understand where the tension came from.
"I'll go ahead Mom, Dad.", I waved goodbye at mabilis na tinungo ang daan palabas ng bahay. Naabutan ko pa sa aming napakalaking sofa si Louise, mukhang doon nito ipinagpatuloy ang pagse-cellphone.
"I'm going, behave Louise for God's sake!", bilin ko dito habang patuloy na naglalakad.
"Hahanapin namin sya kuya. Me and Arthur will find her.", those words made me stop and get back to her.
"What?", takang tanong ko.
"Sino? Who are you talking about?", my forehead crease as I feel a little confused. Lumikot ang kanyang mga mata at hindi agad nakapagsalita.
"Speak, brat!", mataas na ang boses ko na ikinatakot nya.
"Th- the right girl for you!!"