Penelope's Pov "Babe" Nangungusap ang mga matang nakatingin sakanya ang dating asawa na bigla na lang siyang hinagkan. "Mr. President? A-anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong ko sakanya habang lumilinga sa paligid, mahirap na baka may makakita samin sa ganitong sitwasyon maiissue na naman kami. "Umuwi kana Mr. President" Mahinang sambit ko habang nakahawak sakanya, dahil mahipit niya akong yakap. "Bakit mo ako pinapaalis huh asawa ko?" Saglit akong natigilan at nawala sa wisyo dahil sa sinabi niya. Asawa ko... Amoy alak siya kaya sigurado ako'ng lasing lang siya kaya siya nandito. Hindi na din siya kumikilos at mukhang nakatulog na siya, hinila ko na lang siya papasok sa loob ng condo at inihiga sa sofa. "May problema ka ba?" Mahinang bulong ko sakanya h

