Penelope's Pov "Anong pakulo to, Mr.President?" I asked him teasingly as I enjoy his warm embrace. God this is exactly what I want. "Isn't that you want to have an alone time with me?" sambit nito. Pumihit ako paharap sa kanya. Minsan talaga mapapaisip ka na lang na baka may favoritism si God dahil pinagpala niya ng sobra ang lalaking kaharap ko. Siya na ang gwapo, matalino, mayaman ika nga nila package na. "Ang kapal mo naman, Alexandro. If I know baka ikaw ang gusto akong masolo," pambabara ko sa kanya. "Ano ba naman!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw nang bigla nya na lang hapitin ang bewang ko. Gahibla na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. "May problema ba kung gusto kong solohin ang asawa ko? I guess there's nothing with that, right?" He asked, t

