Third Person's Pov Mababakas ang tensyon sa buong paligid. Dala ng mga problema nang biglaang pagpapakasal ng Pangulo ng bansa sa isang artista. "Tawagan mo si Pres. Alexandro." Utos ni Lexi sa kanyang alaga na si Penelope. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga. "Why aren't you making any moves? Go on, wala ka bang load? Here, use my phone." Parang isang naliligaw na batang tinitigan ni Penelope ang kanyang manager. Malamang sa malamang ay magiging isang dragon na naman ito kapag nalaman niya na miske numero ng lalaking pinaksasalan ng alaga niya ay wala ito. "I don't have his number, Ate Lexi," bulong nito sabay tumungo. Sa mga oras na'to namumula na sa sobrang inis ang babaeng kaharap ni Penelope. Kung pwede niya lang itong sakalin ay mala

