“Anong problema, Rachelle?” takang tanong niya nang makarating kami sa gilid ng bahay namin. Seryoso ang mukha niya. Galit talaga siya. Tuloy ay hindi ko alam paano siya kakausapin. “Bakit? Anong problema sa hindi ko pagsumbat sa ‘yo? Anong gusto mo? Sabunutan ko si ate? Para sa ‘yo? Ay PJ, huwag nalang. Mas mahal ko ang ate ko.” Napanganga siya tinuran ko. Ito ang bagay na hindi siguro niya maintindihan. “Hindi mo ba ako mahal Rachelle? Bakit hindi ka man nabahala sa nangyari?” seryosong aniya. Napatingala ako sa kalangitan dahil napansin kong gumagabi na. “Umuwi ako dito para sa ‘yo, PJ,” sabi ko sa kaniya. Natigilan siya. “Ano?” nanlalaki ang mata na tanong niya. “Oo umuwi ako para sa ‘yo at nakita kong buntis na pala si ate. “Babe,” agad na nabago ang boses niya at nakita ko

