"Bakit kilala mo si mama?" gulat na tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako. "Huwag mo ng alamin," iyon ang sabi niya. Pero hindi ako mapakali. Bakit niya kilala si mama? Anong ugnayan niya kay mama? Hindi. Gusto kong malaman. Pero nagsimulang umiyak si Timber kaya tumayo siya at binigay sa akin ang bata. "Babalikan kita dito mamayang gabi. Isang malaking pagkakamali na nandoon ka at nasama sa pagdukot pero masaya ako at nakilala kita," ang sabi niya sa akin. Hindi ko alam bakit pero iyong mata niya ay puno ng emotion. Para bang kilala niya ako. Naguhuluhan tuloy ako. Sino ba itong Lando na ito? Lumabas siya ng kwarto niya at naiwan kami ng anak ko sa loob. Sa tingin ko ay soundproof ang kwarto niya. Kaya kahit umiyak si Timber ay hindi naririnig ng mga tao sa ibaba ang iyak niya

