VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS CHAPTER 20 "TINGIN SA BURGER! KAGAT SA BURGER! AND... CUT!" Mabilis akong napahinga at napapikit. Salamat at natapos din ang trabaho ko ngayong araw. "Pwede ba 'to ubusin?" tanong ko pa sa staff na kinatawa nila at agad naman iyon na inubos. "Where's Lincon?" Agad ko namang tanong kay Ate Agie. Isang linggo na nang kami na ang humawak sa batang iyon. Binigyan namin siya ng ibang photoshoots para sa portfolio niya. Ngayon ay nakuha na siya ng ibang commercials, sa loob lamang iyon ng isang linggo. Malaki ang kakayahan ni Ate Agie sa ganitong bagay. Noon pa man ay nakikitaan ko na siya ng potential, kaya't kapag naging successful na talaga ako at malaking-malaki na ang kita ko ay magtatayo ako ng agency. Halos nilibang ko ang sarili ko sa pagtulong ka

