VILLA EROTICA: AKIM GUINDESALVUS CHAPTER 17 MABILIS akong pumasok sa bahay. Alam kong narito rin ang manager ko, pero doon ko lang napagtanto na wala pala siya rito at sinabi niya sa akin na nasa bakasyon siya. Madilim ang bahay at tanging paghikbi ko lang ang naririnig. Sandali lamang nang bumukas ang dim light at doon ko natagpuan ang manager kong nakapang sexy lingerie at may kagat-kagat pang rosas na pula, habang ang buhok naman niya'y kulot. Ang pag-iyak ko'y naudlot nang makita ko siya. "Ancee?" Malakas niyang tanong at agad na lumapit naman sa akin. “Ate Agie!” Saka ako napaiyak nang mabilis niya akong yakapin. “Ano ang nangyari? Bakit ka naiyak? D’yos ko, Ancee!” Tanong niya pa sa akin. Naramdaman kong bumukas ang pintuan at nakita ang isang lalaki, ngunit sandali lamang na

