Maraming mga pa surprise SI Alvin sa kanya . Wala na siyang hihilingin pa dito..Kahit Sige Ang pag papansin ni Lawrence.wala siyang paki alam kahit na Minsan sinsadya nitong pagselosin sya wala ng epekto sa Kanya. Kuntento na sya sa relasyon nila ni Alvin.
Kasalukuyan nag didinner Silang dalawa sa Isang 5 star hotel, maganda Ang ambience romantic idagdag pa Ang malamyos na musika.. Pagkatapos nilang Kumain magpahinga ng kunti Maya Maya may dinukot Siya sa kanyang bulsa.maliit na kahon. Biglang kumabog Ang kanyang dibdib. Binukaan ito ng lalaki at tumambad Ang sing sing.
" Will you marry me Cassandra?..."
Ito Yung pinapangarap ng sino Mang babae. At Ngayon heto oh tatanggi pa ba Siya
"Yes of course I will marry you Alvin .walang pag aalinlangan niyang sagot. Maluha luha Siya sa kasiyahan. Isinuot nito sa kanya Ang sing sing.
"Siguro this is the right time to settle down. We're both stable. " We know each other since then.Both side walang problema. Isang pilyang ngiti Ang ginanti nya.
"At Saka SI mama gusto na mag kaapo I lang beses na Akong tinatanong kung kelan na Tayo magpakasal.napag isip isip ko ito na Yung panahon.
At kahit Siya din gusto na nyang maglagay sa tahimik para Hindi na makapanggulo pa SI Lawrence.
Kailan natin Sabihin sa kanila Ang Plano natin. magtanong Siya.
"Ikaw kailan mo gusto remember Silang hakbang lang Ang agwat. ".
"Sa sabado?... wika Niya
"Hindi ka Naman nagmamadali diyan?"
Inirapan Siya nito.. "Ikaw diyan Ang nagtanong ng sagutin ka ayaw mo Naman..
"Joke lang Yun.. ok final sa Saturday ng Gabi.
Nagsalo salo Silang naghapunan kumpleto Ang bawat pamilya, Naroon Ang kanyang ate Ang asawa nito at dalawang pamangkin. Ang
kanyang kuya at asawa nito. At sa pamilya ni Alvin , Ang kanyang mama at papa, si Lawrence at Ang ate nito na halos kasing edad lang din ng ate nya.. May asawa na Rin ito ngunit wala pang anak. Kaya siguro nag aapura na itong magkaroon ng apo para may mapaglibangan.
Pagkatapos ng hapunan doon na sila nag usap usap sa sala. magkatabi sila sa upuan ni Alvin. Umupo si Lawrence sa upuang paharap sa kanya., ramdam nya tuloy Ang pag kaasiwa. SA tuwing titigan Siya nito may mga katanungan sa kanyang mga mata. Animoy nanghihingi ng mga paliwanag. Wala siyang dapat pa ipaliwanag. Wala.
Hinawakan Siya ni Alvin sa kamay. at binulungan .
"Tense ka yata... sapat na Ang pagpisil nito sa kanyang kamay para ma ibsan Ang kaba. Kakaibang kaba . Nang magtama muli Ang kanilang mga mata ni Lawrence. kita nya Ang lungkot at panghihinayang?..Na sya din naman Ang may kagagawan
Ang ama ni Lawrence Ang nagsimula ng usapan.
"Nasa tamang edad na Ang mga Bata kumpadre, parehong stable nagkakaintindihan Naman nagmamahalan,Hindi na natin patagalin pa. At Ang aking binata ay handa ng maglagay sa tahimik,," anito
"Wala tayong problema diyan kumpadre, halos nasubaybayan natin parehong Ang kanilang paglaki. Abay saan pa nga ba hahantong.,? kundi sa mahabang dulang
"At Saka matanda na Rin Ako gusto ko na rin makita nasa maayos na sila kumpadre"
"Pumanaw man tayo sa mundong ito panatag Ang ating loob ma maayos na sila"
"Tama ka kumpadre"
Nagkatinginan Silang dalawa ni Alvin.
"Tingnan mo Naman Ang binata ko kumpadre Hindi Naman diyan lugi Ang dalaga mo" nagbiro ito
"Ganon din sa aking Dalaga kumpadre."
"At Saka Ang aking maybahay kumpadre ay nangungulila na at gusto na ng apo.. Itong aking panganay ay wala yatang planong mag asawa at Minsan gusto ko ng magduda". tumingin ito Kay Lawrence na baling Ang lahat ng tingin sa kanya. Nagtawanan Ang lahat sa biro ng ama nito.
"Papa Naman huwag mo ma Akong isali diyan " napahiyang sabi
Nagkatawanan ulit.
"Hindi pa yata bro isinilang Ang mapapangasawa mo " Nagbiro Ang kanyang kuya. Nagkatawanan na Naman Ang lahat.
"Bweno kailan nyo balak magpakasal?..
Nagkatinginan sila. buwan ng hunyo Ang napili nila gusto nilang da always na maging June Bride .sabay Silang nag salita
"Sa June Po. " pitong buwan iyon mula sa araw na ito
"Maganda Ang buwan na napili nyo"
O sya, sa June sapat na panahon para mapag handaan ng lahat.
Walang labis ma kasiyahan Ang kanilang nadarama
At sa wakas natapos din Ang pag uusap .Nagsimulang magsi uwian Ang mga bisita Nagpaiwan SI Alvin sa pagkakataong ito parang ayaw na ng mawalay pa sa kanya.
Maging Siya ay ganon din mahal na niya ito..
.Lumalim Ang Gabi Maya Maya nagpaalam ma Ang binata. ng umuwi Ang binata. Humagikhik Siya ng mahina habang tinutulak ito pauwi.
"Can't wait honey for the wedding."
Nagblush Siya sa tinuran ng binata.
May kung Anong kakaibang kilig siyang nadama..
"Me too Alvin.."
"Hmmm seven months parang sobrang tagal"
"Excited ka Naman masyado"
"Sino bang Hindi maging excited kapag ikasal sa babaeng pinakamamahal nya?
"Sus ma drama"
"Hindi nga , gusto Kong ma solo na kita. makulong sa aking mga bisig"
"Nakapaghintay Tayo sa matagal na panahon Ngayon buwan nlang Ang bibilangin natin"
"Parang Hindi na Ako makapagpigil" humigpit Ang pagkakapulupot nito sa kanyang beywang.
"Baliw". lumaki sila sa konserbatibong pamilya at Ang Pina ka ingat ingatang dangal Ang tanging pinaka Espesyal nyang regalo para sa pinakamamahal.
Malapit na sila sa gate. bubuksan na sana Niya ng pinigil Siya ni Alvin at siniil ng halik. Kinurot nya ito sa tagiliran. Mabuti nlang at Hindi ganon ka liwanag Ang ilaw.
"Nakakahiya ka".
"Kanino? At Saka ikakasal na Tayo.
"Ah Basta... marahan Niya itong tinulak palabas ng gate. dahil baka saan pa aabot Ang tagpong iyon. Nakalabas na ng gate SI Alvin
Kumaway Siya. Nag flying kiss Naman Ang Binata. Tumagal Siya ng I lang minuto sinundan ng tanaw Ang binatang pauwi. alAt ng naka distansiya na ito Asinara na nya Ang gate. Gusto na Rin nyang magpahinga. Nakakapagod. pero Masaya Siya. Kunting panahon na lang at magiging isa sila ni Alvin. Papasok na Siya sa loob ng Bahay ng may kaluskos siyang narinig sa garden . Sumilip sya laking gulat nya ng may anino ayan Nakita .