Kanina pa siya naiinis, nasa family reunion na sila ni Drix naipakilala na siya as fiance nito ngunit iniwan siya nito sa isang tabi ng makita ang isang maganda at seksing babae na dumating. Para nalang siyang tanga na nakaupo sa isang tabi habang nakatanaw sa nag uusap usap na kumpol ng mga kaanak at kaibigan nito. Inip na inip na siya. Taliwas sa iniisip niya naging mabait at maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng ina ng nobyo niya. "Okay lang Lyka, matulog ka nalang diyan." sabi niya sa sarili. Masakit ang kanyang katawan dulot ng halos magdamag na walang tulog. Idagdag pa ang pahabol na s*x bago sila umalis yumuko siya at unti unti ay nilamon ng antok at pagod. Naramdaman niya ang paghaplos ng kung sino sa kanyang mukha kaya napabalikwas siya. "Manang!" gulat kung sabi dito. "Ak

